“Dok, si Nancy manganganak na raw bukas.” “Kaya na niya yun. Di pa ba sya sanay eh panglima na niya,” biro ko sa aking assistant. “Talian mo na dok. Wala na ngang maipakain, anak pa ng anak.” “Sinong tatalian si Nancy o ang asawa?” Nagtawanan lang kami ni Jane. Sya ang assistant kong loka-loka sa center. Naikwento ko ang lahat ng nangyari sa akin. Unang kita pa lang namin ay nag-overshare na ako ng tungkol sa aking buhay at wala kaming ginawa kundi umiyak ng umiyak habang kinukwento ko ang lahat. Awang-awa daw sya sa akin. Samantalang sya ay sa konting pagkakamali ng nobyo ay inaaway na niya agad saka tuluyan nya na itong iniwan. Ngayon, tinatawanan na lang namin ang lahat. Parang gumaang ng kaunti ang pakiramdam ko ng maikwento ko ang istorya ng buhay ko. She’s my angel pero minsan na