GABY I stay calm ng sabihin ni Carson na si Nathan ang dumating. Isang pick-up truck kasi ang nakita namin na tumigil malapit sa lugar kung saan namin dinidistribute ang mga packs. Nabaling naman agad ang atensyon ko sa mga tao at sa mga ipamimigay kaya nawala na sa isip ko ang pagdating ng lalaking ayoko na sanang makita pa kahit kailan. Habang busy ako ay tinawag ako ni Carson. Kasama na niya ang lalaki at nasa tabi na niya. Nakaharap silang dalawa sa akin. Walang itong imik na parang noon lang kami nagkita. Walang guilt sa kanyang mukha at parang proud pa nga sya dahil sa kanya galing ang mga supplies. He was wearing shades kaya di ko makita ang emosyon sa mga mata niya. Nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib at maangas ang tayo. “Hi!” pilit na ngiti ang ibinigay ko nang lumapit ako