CRUEL BILLIONAIRE 32 EDITED Kinabukasan ng tanghali saktong dumating ang sinasabi ni Nathan na mga items. Tuwang-tuwa si Jane at ang mga staffs ng baranggay na nakakita ng mga goods na ipamimigay. Feeling nanalo sa raffle at assuming na meron sila. “Ang dami doc. Meron ba kami dyan?” sabi agad ng mga tanod. “Basta tumulong kayong magrepack ng mga ito at sa Baranggay Mabato yan dadalhin.” “Oo naman dok, tutulong kami. Malakas ka sa amin.” “Talaga ba? Walang kapalit ha,” biro ko sa kanila. “Kahit bigas lang doc,” hirit pa ng isa. “Oo na. Meron kayo syempre. Marami ito at sobra sobra.” Mabait namn ang mga tanod. Bantay ko sila kapag gabi pero tulog nga rin pala sila gaya ko. “Bukas ba ito ipamimigay? Marerepack ba natin lahat?” naroon na rin si Nathan na nakatingin sa mga dumating na