9

1107 Words
Nagpunta kami sa isang couturier. Bilin ko na simple, mahaba ang laylayan at may mahabang manggas. Ayoko ng seksi at litaw ang dibdib at hita. Agad kaming bumalik sa mansyon pagkatapos nyang sukatan. Walang imik ang babae, nakatungo at wala pa ring emosyon. Walang tanung-tanong at parang robot na sumusunod lamang Pero kapag sila ni Shawn ang magkasama, ngumingiti ito. Hay, bakit pa ako magtataka. Playboy si Shawn at ako, halimaw. Di ko namalayan ang araw. Busy ako sa negosyo at ilang araw kong pinagpahinga ang babae. Walang aksyon at walang maiinit na gabi. Hindi naman sa ayaw ko pero ilang araw na akong pagod sa trabaho. Kinabukasan na pala ang event. Nagtaka akong di na yata nai-fit ng babae ang damit mula ng sukatan ito. Ni hindi naipadala muna ang damit para isukat. Paano kung hindi kasya? Kaya tinawagan ko ang couturier. “Akong bahala, Sir Nathan. Kilala mo ako. Sakto ang tabas ko. Isusuot na lang ito ng nobya mo at saktong-sakto na ito sa kanya,” mayabang na saad nito. “Siguraduhin mo lang kasi mawawalan ka ng costumer kapag palpak ang gawa mo,” banta ko sa kanya at kilala niya akong gusto ko ay pulido ang gawa. “Ikaw naman sir, wala ka pa ring bilib sa akin. Fit na fit ito panigurado.” “Oo na. Ipadala mo na ngayon ang damit.” “Parating na yon at tiyak na magugustuhan ninyo ang creation ko.” Hapon ng dumating ang damit. Kulay blue at may konting kinang lamang ang tela pero elegante. Inabot ni Shawn ang damit sa babae at pinasukat. Ilang minuto na ay ayaw pa nitong lumabas sa kanyang kwarto. “Ano ba yan ang tagal?” inip na saad ko habang nakaupo sa salas. Titingnan ko ang pinagmamalaki ng mananahi na yun kung maganda nga ang gawa niya. “Pupuntahan ko na,” sabi ni Shawn na mukhang titingnan din ang babae na suot na ang damit. “Ella, ano na? Inip na si Sir,” panay katok na ni Shawn at ayaw pa ring lumabas ng babae. “Ano ba!? Ako na ang papasok dyan!” inip na talaga ako at naiinis na. Ano bang inaarte nya? “May mali eh,” saad ng babae na lumabas din ng kwarto niya. “Wala naman ha. Maganda kaya,” sagot ni Shawn sa babae na nakangiti at kumikislap ang mga mata.. Napatayo ako sa kinauupuan ko para tingnan. “Anak ng pusang gala! Sabi ko na hwag lagyan ng slit di ba?” galit na saad ko nang makitang litaw ang hita at fit ito sa kanyang katawan. “Sinabi ko naman sa kanya na conservative dapat. Akala ko naintindihan niya,” pag-aalalang saad ng babae. Halatang takot ito sa nanlilisik kong mga mata. “Kalma lang, Nathan. Ok naman. Bagay at paniguradong mabibighani ang lahat sa kanya sa party,” sabat pa ni Shawn na paniguradong nabibighani na rin sa babae. “Hubarin mo na ayan at ayoko nyan!” galit na saad ko. Bakit ko gugustuhin na mabighani ang lahat sa kanya. Ako lang dapat ang makakakita ng katawan niya. I’m so pissed. Tinawagan ko ang bakla at pinagalitang maigi. Umiiyak na yata ito at rinig ko ang pagsinghot habang kausap ko. Sorry naman sya ng sorry sa akin. Akala nya daw ay magagandahan ako. Pero nang nailabas ko na ang aking galit, naisip kong kunin na lang ang damit at payagan na ang babae na iyon ang isuot. Bukas na ang event at saan pa ako kukuha ng damit na isusuot niya. Di ko na rin maiasauli pa ang damit. Magbibigay daw ng free suit ang designer para hindi na ako magalit. Kinumbinsi ako ni Shawn na baka magmukhang manang lang ang babae kapag balot na balot ito at tago ang buong katawan. Kumalma ako pero umakyat na ako sa kwarto ko. Inalis na sa isip ang maliit na bagay na kinagagalit ko. Uminom na lang ako ng alak para kumalma na ng tuluyan at di na alalahanin pa ang ganoong maliit na bagay. Kinabukasan ay maaga akong umalis. May kameeting pa ako at saka na didiretso sa event. Doon ko na pinahahatid ang babae kay Mike. Marami pa akong dapat kausapin bago magsimula ang party dahil I need more investments sa mga negosyo ko. Natuon na ang pansin ko sa pakikipag-usap at pakikinig sa mga payabangan ng mga taong naroon sa event. Nakakatawa silang pinagmamalaki ang mga ari-arian nilang nakuha naman sa sa ilegal na pamamaraan kagaya ko. Hindi ako proud pero kailangan kong gawin ang mga bagay na iyon para sa paghihiganti ko. Hindi lang sa babaeng iyonat sa pamilya niya ako maghihiganti. Pati na rin sa iba pang umalipusta sa aking pamilya noon. Nabaling ang pansin ng mga kalalakihan sa mga babaeng nagdadatingan. Magaganda. Mga trophy ika nga. “Ikaw, Nathan, kelan ka may isasama dito? Tumatanda ka na iho,” natawa lang ako sa sinabi nitong kausap ko. “Hoy, ang ganda noong isang iyon,” saad ng isang kausap ko at nabatukan tuloy sya ng kasama nyang babae. “Honey naman. Mas maganda ka doon. Selos ka naman agad,” panunuyo nito sa babaeng kasama. Di ko sana lilingunin ang tinutukoy na magandang babae at wala akong interest pero lumapit ang isang babae at tinawag ako. “Nathan.” Napalingon ako sa nagsalita. Nakangiti ito. May bahagyang make up ang mukha at nakapusod ang buhok. Litaw ang maputing leeg at bahagyang balikat. Nabighani ako at natulala. “Sino sya?” tanong ng katabi ko. “Si-,” naputol ang sasabihin ko. “Isabel po,” sagot nitong babae. Isabella nga pala ang buong pangalan niya at sa bahay Ella ang tawag sa kanya ni nanay at Shawn. Binati nya ang lahat sa umpukan namin. She’s like an Angel. Mahiyain pero friendly ang dating niya. I can’t take my eyes of her. Sobrang ganda talaga. Gusto ko nang umuwi na kaming dalawa at makasama sya sa aking mansyon. “Mamaya may tumulo dyan,” sabay pahid nito sa aking bibig at nagtawanan ang mga kalalakihan. Di ako natawa sa biro niya at nainis ako sa pagpapahiya niya sa akin. Napasimangot ako at unti-unting nakakaramdam ng inis. “I’m sorry,” bulong nito sa akin at naamoy ko ang pabango niya. Agad namang naantig ang damdamin ko. Pucha! Pusong mamon na ba ako? “Its ok,” sagot ko at unti-unting nawawala na ang inis ko. “Umupo na tayo. Magsisimula na,” malumanay sa sabi ko sa babae. It’s like we’re dating. Hawak ko ang likod niya at todo alalay ko. Pinaghila ko pa ng bangko at ngumiti ito ng pilit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD