Alas otso ako nagpakita. Bitbit ko ang mga binili ko pero parang nagkakagulo sa loob ng health center. May ilang kalalakihan din sa labas na mukhang mga goons. Nagmadali akong pumasok sa loob ng center kung saan naroon si Ella para malaman kung ano ang nangyayari. “Dok, hwag ka nang umalis,” rinig kong sabi ng babae kay Ella. “Kailangan nga Jane. It’s life and death. Kilala mo ako at buhay ang ippiliin ko kahit anong mangyari.” Nakita kong nag-eempake ng gamit si Ella, tatakas ba sya para di na ako makita? Di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. “Hi!” bati ko sa kanila kahit may tensyon na namumuo sa mga naroon. Di ko alam kung tama ba ang pagbati ko. “Anong ginagawa mo dito?” galit na saad ni Ella. “Sabi ko ayoko kang makita di ba?” “I want to talk to you, please.” “Not now. Ma