Medyo naiinip na talaga ako at nadidismaya na. 20 minutes na kami roon na di ko alam kung sinong hinihintay ng lalaking ito. May dumating ulit na yate sa dock area at agad na may lumapit na mag-asawa at dalawang bata. Nawawalan na ako ng pag-asa na may mangyayaring maganda. For business lang yata ang pakay nito sa hinihintay na tao. “Mag c-cr lag ako,” paalam ko kay Nathan. “Sige, paki bilisan mo lang kasi baka dumating na yung kausap ko.” “Ok.” Sya naman ang maghintay kung sino man sya. Inis na saad ko sa sarili. Nang pabalik na ako kung saan ko iniwan ang lalaki ay wala na ito roon. “Ella,” rinig kong may tumawag sa akin. Napalingon ako at hinanap kung saan galing ang boses. Nakatayo si Nathan sa may dock are at may nag-aabang na yate sa tabi niya. Mapangiti ako ng bahagya at pigi