I am free at last. Di ko man alam pa kung bakit nangyari ang lahat pero alam kong it will make me stronger ngayong kami na lang ni Mommy. Kailangan ko syang alagaan. Kailangan kong maging matatag at matapang para sa kanya. Sa kabila ng mga naranasan ko sa lalaking iyon, pipilitin kong lumimot para sa mas magandang bukas na kakaharapin namin. Hindi madali at palagi ko pa ring naiisip ang pagpapahirap mula sa kamay ng halimaw pero ipinaubaya ko na lang ang lahat sa Diyos. Sya na ang bahalang magparusa sa masasama at sana masaksihan ko ang paghihirap ni Nathan. Natagpuan ko si Mommy sa bahay ng kanyang bestfriend na ninang ko rin. Ito ang tumulong sa kanya para maibsan ang depresyon. I’m so thankful na ok sya at malaki rin ang pasasalamat ko kay ninang. “Ella, anong nangyari sayo?” “Mahab