Umalis si Shawn kasama pa ang ibang tauhan. Lumabas ako para maglakad-lakad. Sawang-sawa na ako sa loob ng bahay. Mula pa sa mansyon hanggang sa hide out. I just need fresh air and nature. Para makahinga kahit papaano at para malimutan ang mga mapapait na sinasapit ko sa kamay ng halimaw. He hurt me and he used me. Masakit pa rin ang pisngi ko na nagkapasa dahil sa sampal niya. Ang bigat ng kamay niya. Kung buhay pa sana si daddy ay di ako magkakaganito. Di naman ako makakatakas. Di ko alam ang palabas sa liblib na lugar na iyon. Takot din akong magbakasakali at baka lalo pa akong mapahamak. Baka may mga halimaw din sa daan na gaya ni Nathan at gawan pa ako ng masama. Bigla namang umulan kaya patakbo akong pabalik na sa hide out. Parang walang tao at walang mga bantay. Sarado ang pinto