Sa ospital “Doc kamusta?” “Ok naman ang lagay niya. Natahi na ang sugat at mabuting naagapan. Kung madaming dugo ang nawala, baka wala na siya,” sagot ng doktor kay Shawn. “Iha, mag-ingat ka sa susunod.” “Opo doc. Salamat po.” “Niloob ng Diyos na mangyari ito para makalaya ka na.” “Salamat Shawn pero paano ka?” nagyakap ang dalawa habang panay ang agos ng luha ni Ella. Masaya, mahirap at malungkot ang nararamdaman niya. Di sya makapaniwalang tapos na ang lahat ng paghihirap niya sa kamay ni Nathan, ang halimaw na lalaking iyon. Kung noon pa niya naisip na magpatihulog sa hagdan ang paraan para makalaya sya, sana noon nya pa ginawa. Ngayon naman ay ang problema nila ng ina ang haharapin niya. “Kaunti lang ito pero sana makatulong,” inabot ni Shawn ang isang sobre. “Hindi na Shawn. Al