Bumalik ako sa lending company. Humirit pa ako ng pag-utang at kinulit pa ng kinulit ang kausap ko pero ayaw talaga akong pagbigyan. Nakiusap ako pero barat talaga itong kausap ko. Tinanong ako kung may property pa akong isasanla at pwede naman daw nyang tanggapin pa ang collateral ko pero sa kasamaang palad, wala na. Wala na akong maisasanla sa kanya. Kung pwede lang isanla ang sarili ko gagawin ko. Di ako umalis sa opisina at baka maawa ito sa akin at magawan pa ng paraan. “Kung gusto mo, may kilala akong magbibigay ng malaking pautang kaso nga lang, mataas maningil ng interest.” “Sige, sige. Desperada na talaga ako. Kahit buhay ko pa ang kapalit, ibibigay ko para sa anak ko.” “Naku, may anak ka na? Sayang. Maganda ka sana at seksi pero ayaw noon ng may asawa o anak na. Gusto nun virg