Di na ako nakipagtalo pa kay Carson. May point sya pero mahirap isipin at gawin ang mga sinasabi niya. Sa sarili ko, gusto ko nang makalaya sa sakit at sa poot ng aking puso pero paano kung di ko pa rin makalimutan ang lahat? Di nagtagal at nakabalik na ulit kami sa center ni Carson. Si Jane at Nathan ay magkausap rin sa loob. Parang heart to heart talks ang pag-uusap nila. “Doc, may suggestions sya. Magdodonate daw itong si Nathan dito sa center.” “Ano naman?” medyo may pagkamasungit na tanong ko. Parang ayaw kong tanggapin pero wala naman akong ibang sponsors para sa needs dito sa baranggay. Hintay lang ng supplies kung kelan dadating mula sa gobyerno. Kelan pa kaya? “Supplies dito sa center.” sagot sa akin ng aking assistant. “Ok bahala sya. Ikaw na ang mag-asikaso at mamahala,”wa