“Nathan, you bastard!” galit pero mahina ang pagkakasabi ko dahil baka marinig ako ng mga lalaking halos paplapit sa amin. Nahampas ko ito sa dibdib saka ko lang nakita na may tama ito sa may labi at sa pisngi dahil sa suntukan kanina. “Shhh,” hinila ako nito papasok sa isang bar. Naroon ang mga babaeng halos wala na yatang saplot alas-siyete pa lang ng gabi. May mga kalalakihan na nagiinom na ng alak at nakikipagtawanan sa mga babaeng katabi. Nakaakbay sa mga babae at pahalik-halik pa. Tuwang-tuwa naman ang mga babaeng ito sa mga kasama nilang mukhang zombie pero mukhang makakapal ang bulsa. Kahit yata anong gawin ng mga lalaki ay ok lang sa mga babaeng ito. Ang mahala lang ay kumita sila. Naupo kami ni Nathan sa isang couch na bakante. Wala namang pumapansin sa amin doon at busy silang