“Labas tayo. Tingan natin ang beach,” anyaya ko sa lalaki. “Mainit pa. Tsaka pareho lang yan ng beach doon sa baryo. May buhangin at may tubig.” “Bakit pa tayo nagpunta dito kung parehas lang din naman?” tumayo ako para dumungaw sa glass door na tanaw ang view ng beach. “Dahil sa amenities at dito sa room na malamig. Dito muna tayo.” “Hay, Nathan. May binabalak ka bang masama? Sinasabi ko sayo ha.” banta ko sa lalaki. “Wala. Ano namang balak? Ang dumi ng isip mo,” lumapit ito sa akin. Habang nakasandal ako sa hamba ng pinto ay nakatuon naman ang isang kamay nito sa may likuran ko. “Tumigil ka. Alam kong sa ating dalawa, ikaw ang marumi ang isip.” “Alam mo naman pala. Pagbibigyan mo ba ako?” “Hindi. Kaya hwag kang makulit,” bumaba ang kamay niya at humawak sa aking bewang. Inaakit n