Ilang gabi pa akong natulog na katabi niya. Yung usapan naming once a week, di naman natupad dahil lagi ako nitong niyayaya. Sama naman ako dahil gusto ko rin. Ang hirap ding pigilan ang sarili lalo na at unti-unti ko na syang minamahal. Mapagkakatiwalaan naman sya at di lumalampas sa napag-usapan namin. Halik at yakap pa lang kasi ang maibibigay ko sa kanya. Di ko pa rin nasasabi kay Mommy na kami na ni Nathan. I just cant find words what to say to her. Paano ko ba ieexplain? Alam kong understanding si mommy at di nagtatanim ng sama ng loob. Ayaw nya ring mamuhay akong may galit sa aking puso. Hapon at nasa beach nanaman kami. Halos tuwing hapon ay naroon kami. Talking about the future and slowly forgetting the past. “Lets get married,” ulit nanaman niya. “Masaya naman tayo na ganito.