Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Nathan para sa meeting niya at site visit. May mga kausap syang kliyente at naiwan lang ako sa kanyang sasakyan. Nahihiya akong sumama pa sa kanya at mameet ang mga kakausapin niya. Naka-on naman ang car aircon at mabuting mabilis lang silang nagkausap ng client. Nang matapos na kami sa trabaho niya ay nagdiretso kami sa mall. Kumain kami at naglakadlakad. Kunin ko daw ang kahit anong gusto ko at bibilhin niya. Nahiya naman ako kaya isang dress at isang sandals lang ang binili ko. Ako na ang nagbayad ng mga beauty products na kinuha ko at di na pumayag na sya pa ang magbayad. Sobrang tagal ko nang di nakapasok sa sinehan. College days ko pa kaya niyaya ko ang lalaki na manood ng sine. Action-comedy movie ang napili namin at panay tawanan namin sa loo