Kinabukasan, may dalang almusal si Attorney. Kilig ang bruhang si Jane syempre. Kumain kaming mga staff at ilang tanod sa baranggay. Uuwi na daw sya sa Manila to prepare all my requests. Nagpaalam na kami sa kanya habang halos matanggal na ang mga braso ng mga kasama ko kakakaway sa lalaki. “He’s cute doc.” “Type mo? Ligawan mo.” sarkastikong saad ko kay Jane. “Grabe ka. Lalaki dapat ang nanliligaw.” “Pero ikaw na babae ka, harot ka ng harot.” “Di ka papatulan nun. Si Doc kaya ang type ni Attorney,” saad ng tanod na kasama namin kagabi at iniinis si Jane. “He! Wala ring babaeng papatol sayo,” sagot pa ni Jane sa tanod na may inis sa lalaki. “Hmmp pikon!” “Puro kayo asaran. Baka kayo ang magkatuluyan,” sabay hiyawan ng mga kasama namin sa loob ng center. “Doc. Eto palang 500,” di