Celine's POV
"Don't stare at me, your face makes me nauseous" he said as he gently wiped his hair with a towel while walking towards his bed.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, what the hell? ang kapal naman ng mukha niya.
"Is that really the attitude of a knight of Eclein Empire?" I said sarcastically while frowning.
"So what if it is?"
"Well, it's just not suited for your profession"
"Sorry to burst your bubble but I don't care. I do not need to please people with my attitude just because I'm a knight of Eclein Empire, especially someone who's an airhead"
Di ako makapaniwalang napanganga sa sinabi niya. Ang yabang tangina.
Suntukan nalang oh? char.
Nakaupo siya sa kama pero nakatalikod siya sa direksyon ko kaya di ko makita ang itsura niya pero puta, napaka-pilosopo.
Napairap nalang ako at saka napangiwi, well what should I expect? it's already obvious that he's mean and rude the moment you see his cold gaze.
Kinuha ko nalang yung towel at mga damit ko, at saka ako pumasok sa banyo. Maayos naman yung pagkakalagay nung mga shampoo at malinis din kahit papaano yung mismong CR. May residue pa na amoy at ambango talaga puta. Anong cologne ba ginagamit nung lalaking yon.
Tinry kong tignan yung mga drawer pero wala talaga akong makita. Wala din akong nakita na hawak niya kanina paglabas na mga shampoo, sabon or cologne.
Wait, does that mean? siya talaga yung mabango? Don't get me wrong, di ko siya pinagpapantasyahan ah? pero don't tell me usual na amoy talaga niya yon?
Anyway, nakakabwiset pa rin siya. Di ko kinakaya ang kayabangan, maigi nalang medyo sanay nako sa mga insulto kasi diba medyo binubully ako dati? though, di naman ako bullied masyado pero sanay nakong sabihan ng panget pero tanga? sa kanya ko lang narinig yon.
May academic awards naman ako kahit papaano at saka mahilig din akong magbasa ng mga libro kaya di naman ako sinasabihan na bobo dati, pero siya? kapal ng mukha makapagsabi ng bobo, puta, di ko nga siya kilala.
Charot lang, kilala ko pala. Kung natatandaan niyo diba may list na ibinigay saken bago ako magcheck-in sa inn na to, may pangalan don sa tabi nung space para sa pangalan ko and iyon ata yung name ng roommate ko.
'Romeo Gertrude Corazon'
HAHAHAHHAHA, potek yon pala pangalan niya. HAHAHAHHA, sorry pero di bagay sa kanya jusko. Ps. di ko pinagtatawanan yung may gantong pangalan ah? natatawa lang ako kasi di talaga bagay sa itsura niya yung name niya.
Wait lang may naaalala ako HAHAHAHHA, diba niligtas niya kami, dapat pala kinanta ko yung 'Romeo, save me...' ni Taylor Swift ata yon habang nililigtas niya ako, edi sana may konting sound effects, joke.
Tinapos ko na ang paliligo ko at binilad ko na din dun sa isang side yung nilabhan ko. Di naman ata niya nakakawin yon, kaya don ko nalang isinampay.
Nagsuot na ako ng damit at saka ko iniikot sa ulo ko yung towel. I pulled the doorknob and it's dark.
Pinatay agad niya ang ilaw? bastos, mag-aayos pako ng gamit.
Nagpunta ako don sa switch atsaka binuksan iyon, may narinig akong parang nagising kaya napalingon ako don sa lalaki.
"Can't you just open your damn lamp?" sarkastikong ani niya.
Tinaasan ko siya ng kilay atsaka inirapan, "Pake mo? sa gusto kong buong kwarto eh"
"Just keep rolling your eyes, you might find your brain there" he retorted before covering his face with the blanket.
Putangina, lumalaban. Andami naman niyang nairereply saken, pota san ba niya napagkukukuha yung mga ganong reply?
Di ko nalang siya pinansin at nagpunta na ako sa kama ko at saka nagpunas na ng buhok. Pinatuyo ko na muna yon at saka ko tiniklop yung towel at saka ipinatong don sa upuan.
Biglang nanlaki ang mata ko ng maalala ko si Chubby, shet, basang-basa nga din pala siya.
Nakita ko siya sa gilid na nakahiga at saka nakapikit ang mata. Naisip kong gamitin yung towel ni Romeo para ipampunas kay Chubby pero baka masampiga ako non.
Lumapit ako kay Chubby and surprisingly, tuyo na yung fur niya. Oo nga pala, kaya nilang magpatuyo ng katawan. Diba yung parang nagshoshopee shake shake sila HAHAHAHHA joke lang.
I covered Chubby with a spare blanket and I gently lifted him. Ipinatong ko siya sa kama ko at saka ako nahiga na rin.
I covered my body with a blanket as I closed my eyes.
I guess, goodnight Chubby? sweet dreams...
⚫⚫⚫⚫⚫
I woke up because of a noise. I immediately turned towards it and my sleepiness faded. Nanlalaking mata na napatingin ako sa roommate ko at putangina, nagbibihis ata yung si Romeo.
Charot lang, di pala. Isinuot lang niya yung pants na pang-alis niya pero may short pa siya sa loob. "Do you really enjoy watching a guy dress? pervert..." sarkastikong ani niya habang nakatalikod sakin.
"A-Ang kapal naman ng pagmumukha mo, kagigising ko lang kaya b-bakit naman kita papanoorin magbihis?"
"You look like you're always fantasizing over me, so why wouldn't I thought of that?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Tangina? ano daw, fantasizing? ang kapal talaga ng mukha.
Ay wait lang fantasizing nga ba yung kapag naiisip ko na ang gwapo niya? kasi natatandaan ko dinedescribe ko ang itsura niya sa isip ko eh potek, fantasizing na agad yon?
"D-Di ah, ang kakapalin naman ng mukha mo. Kapanta-pantasya ka ba?"
"Hmmmm, ikaw lang hindi" pagtango pa niya atsaka niya inayos ang damit at tie niya.
Ang yabang talaga. Pero sa totoo lang tama naman siya, pero dahil ganon ang ugali niya, hindi ako sumasang-ayon.
Wait lang, parang ngayon ko lang siya narinig mag-tagalog. Puro siya english eh. I didn't know that he can speak in tagalog pero sabagay, nakakaintindi nga siya eh.
"Edi wow" nasabi ko nalang. Shet, wala nako maisip pangbara sa kanya.
Lagi niya nalang nacocounter ang mga ibabara ko, pota anong laban ko?
A bright idea flashed in my mind that's why I grinned.
"Romeo, save me..." I sang. Naisip ko lang na lokohin siya since di talaga bagay sa kanya ang pangalan niya HAHAHHA.
Aba aba, dedma. Di pinapansin ang panloloko ko ah?
"Romeo, take me somewhere we can be alone, I'll be waiting, all there's left to do is run" I sang even louder to get his attention.
Para makabawi manlang ako, I decided to just mock his name. I looked at him in my peripheral vision but it seems like it's not working.
Cinontinue ko lang ang pagkanta at mas nilaksan ko na para marinig niya.
"Your voice is unpleasant, can't you tone it down?"
"Sus, naiinis ka lang, Romeo eh"
"Why would I even be annoyed?"
"Dahil sa lyrics, Romeo HAHAHHAHA"
"The lyrics is not even annoying, your voice is"
Napataas ang kilay ko at saka ako bumangon. "Ikaw nga jan kumanta, ijudge ko din buong buhay mo"
"I don't follow a peasants' request..." ani pa niya na nagpainis sakin.
Maka-peasant naman to, mukha ba akong sobrang hirap? ang yabang.
"Kapal naman ng mukha mo, Romeo"
"But yours is thicker"
"Romeo, Romeo, Romeo..." pang iinis ko nalang na inulit ulit pa ang Romeo.
Di niya ako pinansin at saka siya tumayo na. Hmmm, mukhang effective ah? naiinis na siya sakin.
Pipihitin na sana niya yung doorknob ng pigilan ko siya, "Hoy wait lang Romeo Gertrude Corazon"
Napatigil siya at saka lumingon sakin, "Are you calling me with that filthy name?"
"W-Wow, maka filthy to eh yon nga pangalan mo"
"Tss, you're really an idiot" sabi niya saka lumabas. HAHAHHAHAHA effective nga.
Nagready na din ako at saka ako nagtootbrush at hilamos. Pinrepare ko na din yung mga gamit ko at pagkalipas ng mahigit isang oras ay saka ako lumabas. Overnight lang yung stay ko na yon sa inn kaya di ako pwedeng magtagal. Magbabayad ako ng another 15 pounds kapag lumagpas ako sa time kaya kailangan ko na ding umalis.
"Romeo, Romeo, Romeo..." pag-uulit ko pa habang naglalakad pababa.
I went towards the clerk to give back the key. "Thank you very much, maam. Keep safe on your journey" the clerk said then she saluted.
"Wait lang, pwedeng patingin nung list? may icoconfirm lang ako" sabi ko pa.
Bakit nga pala niya tatawaging filthy yung pangalan na yon kung kanya yon? shet, baka sala ako.
Inabot sakin nung clerk yung list at tinignan ko yung maigi. Romeo Gertrude Corazon nga talaga yung pangalan sa tabi nung pangalan ko so siya siguro yung roommate ko, "Ay ma'am hinahanap niyo po ba yung pangalan po ng kasama niyo sa room kagabi? ang gwapo po ni sir ano?" she said while blushing. Wow, kinikilig pa.
"Si Romeo? d-di ah" tanggi ko pa. Joke lang, totoo naman yung sinabi niya pero mapride ako kaya di ko i-aadmit yon.
"Sino pong Romeo? yung nasa baba po ang pangalan nung roommate niyo" sabi pa niya kaya nanlalaking mata na napatingin ako sa list.
'Aiden Chester Collins'
Putangina? eto ang pangalan niya? hayop mukhang pangmayaman. Kaya pala parang di bagay sa kanya yung Romeo, di pala siya yon at saka kaya niya siguro tinawag na filthy.
"E-Eh s-sino tong Romeo sa tabi?" I asked.
"Siya po yung katabing room niyo, hehe si Sir Romeo" she said and a man appeared beside me.
"Hi miss, ako ba ang hinahanap mo?" sabi nung isang matandang lalaki. Bigla akong nasamid kahit wala naman akong kinakain.
Potangina, di pala siya yon. Nakakahiya, may pa-kanta kanta pa ako. Kaya pala walang effect sa kanya.
"Kanina ko pang naririnig na tinatawag moko, mula kanina pang umaga, rinig na rinig ko sa room niyo eh pati na rin nung pagbaba mo. May gusto ka ba saken? available naman ako bilang kadate" sabi niya sakin na kumindat pa.
Putangina, kadiri. Charot, grabe naman yung kadiri pero mukha siyang pinaglumaan na, nakuha pa niyang lumandi.
"H-Hehe, s-sorry, akala ko po kasi Romeo yung pangalan nung roommate ko, s-sorry po"
"Bakit ka naman nagsosorry, miss? ansarap nga sa tenga na tawagin ako ng mahinahon mong boses" dagdag pa niya na parang nagdadaydream pa.
Pota, kadiri. Shet, ang creepy naman niya.
"S-Sige, alis na po ako" paalam ko pa don sa clerk at sa lalaki saka ako dali-daling tumakbo papalabas while Chubby is following me.
Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa isang playground dahil sa bilis ng pagtakbo ko.
Ang creepy nung matanda pero sabagay, masisisi ko ba siya eh ako tong tanga na tawag ng tawag sa pangalan niyang Romeo?
May nakita akong isang swing sa gilid at wala namang bata na naglalaro doon that's why I went in there. I sat in one of the swings and using my feet, I gently swinged it.
Chubby hopped on the other seat and he stared at me, "Meow"
"Gusto mo rin ba? wait lang" ani ko pa na itinulak ng kaunti yung swing niya.
Parehas kaming mukhang tanga dito pero I think ok lang since wala namang tao dito HAHAHAHHA.
"Aiden, huh?" bulong ko pa ng maalala ko yung lalaking mayabang.
"Meow?" Chubby said as if he's asking me who's that.
"Kilala mo yung roommate natin kagabi? siya yon, yung mayabang na yon" sabi ko pa kahit di niya ako naiintindihan.
Since di din naman niya ako rinig dahil umalis na siya, I'll just vent out all of my frustrations at him on Chubby. Di yung gagawing punching bag ah? I mean, ikwekwento ko yung pagkainis ko sa kanya kay Chubby.
"Alam mo ba, siya yung walanghiyang mokong na di ako iniligtas when I'm about to be harassed" nakangusong ani ko pa.
"Di ko alam kung papatawarin ko siya dahil niligtas naman niya tayo kahit papaano pero pota naiinis pa rin ako sa kanya, ang kakapalin ng mukha na sabihin na bobo ako atsaka pinagpapantasyahan ko siya. Like what the hell? I mean, oo gwapo siya pero di naman ako ganon, di ko alam kung pagpapantasya ba yon yung pagdedescribe sa isip pero basta, di yon fantasizing, diba? diba, Chubby?" sabi ko pa.
He meowed as if he agreed and I chuckled as I continued, "Isa pa, san kaya niya nakukuha yung mga reply niyang pambabara. Napakabastos ng bibig, lagi nalang akong binabara at minumura di ko naman siya inaano. Atsaka, talagang sinabi niyang ampanget ng boses ko? ang kapal ng mukha, siya kaya jan ang kumanta? baka nga mas panget pa boses niya eh. Sobrang sama ng ugali niya, napakasama. Kaya ikaw wag kang gagaya don, Chubby. Isa siyang masamang nilalang, ikaw hindi. Do you understand?" sabi ko kay Chubby na natatawa pa.
He meowed again kaya lalo akong natawa, "HAHAHAHHA naiintindihan mo ba talaga ako? HAHAHA, bakit antali-talino mo jusko. Buti pa ikaw, mabait sakin, iyong lalaking iyon nakakabwiset. Ang sarap sakalin ng buong pagkatao niya, nakakainis kausapin eh, kaya ikaw, Chubby, wag mo yong kakausapin ah? ako lang kausapin mo hehe"
He nodded his head as if he agreed that's why I chuckled. I let out a sigh as I looked at the sky in front of me and it's really blue. Beautiful...
The sky is amazing, ang ganda ng kulay niya. Perfect scenery ito para sa akin since the colors are really vibrant and the atmosphere is refreshing.
Humangin pa ng kaunti kaya medyo nalipad ang buhok ko. I tucked my hair on my ear and I fixed my glasses afterwards. I smiled as I stared again at the bright blue sky in front of me.
"Maybe di mo naintindihan yung sinabi ko kanina hehe, pero don't worry rant ko lang naman yon dun sa mokong na yon" I said after a few minutes of staring at the sky. I took a glimpse at Chubby but I returned it again at the scenery in front of me.
"I can, though" biglang may nagsalita kaya nanigas ang buong katawan ko at saka nanindig ang balahibo ko. Who the hell is that?