"P-po?" Hindi alam ni Hera kung bakit bigla na lang siyang tinawag ni Bryle papunta sa kinaruruunan nito. Busy siya sa paglilinis at hindi man lang napansin ang presensiya nito kanina. Napalunok siya nang hindi nagsalita ang lalaki. Sa totoo lang ay nahihiya na siyang harapin ngayon si Bryle. Ito pa naman ang taong nag alok sa kaniya ng trabahong ito at nakakahiya ang nangyari kanina. Kahit na hindi man sabihin ng lalaki ay alam ni Hera na may ideya ito kung ano ang nangyari kanina sa dining area. Ang mahabang lamesa kung saan siya nakapatong noon ay may mga kalat na pagkain at mga pinggan. Kung hindi ka naman siguro tanga ay magkakaideya ka talaga kung ano ang nangyari base lang doon. Dagdagan pa ang pulang-pula niyang mukha kanina at ang mukha ni Lucas na bitin na bitin. Mukhang wala