CHAPTER 2

1607 Words
"Miss Reyes! Anong ginawa mo?" malakas na tanong nito kay Hera. Napaigtad ang babae at hindi mapigilang matakot dahil sa galit na mukha ng manager ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Ngayon niya lang ito nakita na ganito ka galit. Hindi niya maiwasang kabahan . Feel niya ay baka mas malala ang mangyayari sa kaniya ngayon dahil sa ginawa niyang pagsampal sa matandang costumer. Pero wala naman siyang kasalanan. Ang may kasalanan dito ay ang matandang panot na 'yon. Kung hindi lang sana ito manyak ay baka hindi niya ito nasampal. Ang kapal ng mukha na manghawak ng puwet ng iba. Wala ba itong respeto? Nakakainit ng ulo ang matandang iyon. Hindi niya naman ito sinampal na walang dahilan kaya bakit galit na galit itong manager nila? Sobrang pula ng magkabila nitong pisngi at nagsilitawan na ang mga ugat sa sentido nito. 'Yong tipong parang puputok na. Nanlilisik din ang mga mata nito at taas baba ang dibdib. Mahigpit na nakahawak sa saridora ng pinto at galit na nakatingin sa kaniya. Hindi mapigilang mapangiwi ni Hera habang sinasalubong ang galit na mata ng kaniyang manager. "P-po? Bakit po?" kabado niyang tanong. Mas lalo lang ata itong nagalit dahil sa kaniyang sagot. Napatalon siya sa kaniyang kinatatayuan nang pinag duro-duro siya nito. "You! You're fired!" Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat. "P-po? B-bakit po?" nauutal niyang tanong sa babae. Umirap ito at tumalikod sa kaniya. "The person you slapped was our boss' cousin. Pack your things at umalis ka na rito," pagkatapos sabihin iyon ng kaniyang manager ay kaagad na sinarado nito ang pinto. Parang sirang plaka na paulit-ulit nag play ang nangyari kanina. Huminto ata ang pag-ikot ng mundo dahil sa sinabi nito. Nanghihinang napaupo siya sa malamig na sahig. Nagsimulang manginig ang kaniyang buong katawan kasabay nang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi niya mapigilang maiyak dahil sa nangyari. Siya na nga ang na harassed, siya pa itong nawalan ng trabaho. Ngayon ay balik sa uno na naman siya. Hindi pa nga siya nag-iisang taon sa trabahong 'to ay napalayas na kaagad siya. Sa totoo lang ay sobrang hirap maghanap ng trabaho. Lalo na sa kagaya niya na walang pinag-aralan at hindi nakapagtapos. Suwerte lang talaga noong nakita niya na naghahanap ang restaurant ng mga waitress at isa siya sa napili kahit na wala siyang karanasan sa pagiging waitress. Ang dahilan ng pagkatanggap niya ay ang kaniyang mukha. Hindi man siya ganoon ka galing mag-ayos ng sarili ay masasabi niya na maganda siya. Ilang mga tao na rin na nagtatrabaho sa modeling industry ang nag scout sa kaniya, pero ayaw niyang pumasok sa mundong 'yon. Hindi niya tipo ang magsuot ng maikling damit at magpakuha ng litrato kaya tumanggi siya. Minsan na nga siyang napalo ng kaniyang Ina dahil sa kaniyang pagtanggi, pero wala naman itong magagawa. Buhay niya ito at kahit Ina niya pa ito ay hindi niya hahayaan na diktahan nito ang kaniyang buhay. Ilang oras din siyang umiiyak bago niya napagpasyahan na kunin na ang mga gamit. Maga ang mga mata at mabigat ang dibdib na umalis siya sa restaurant. Hindi siya kinausap ni Marie at para lang siyang hangin sa paningin nito. Nasaktan siya dahil sa pagbabago ng trato nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit nagbago ito sa napaka ikling panahon pero hindi na siya naghanap pa ng dahilan. Hindi na rin naman niya makikita ang babas kaya walang saysay kung makikipag-usap pa siya sa babae na mukhang walang plano na makipag-usap sa kaniya. Sobrang lakas nang kabog ng kaniyang puso nang makauwi na siya sa kanilang bahay. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaniyang Ina. Natatakot siya na magalit ito dahil sa pagkatanggal niya sa kaniyang trabaho. Napabuntong hininga na lang siya at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Sumalubong sa kaniya ang tahimik na bahay at nakita niyang nakaupo ang Ina sa sala. Nililinis nito ang kaniyang mga kuko. Napalunok si Hera ng kaniyang laway at dahan-dahang lumapit sa kaniyang Ina. Napansin siya nito at kumunot ang noo nito nang makita ang mga gamit sa kaniyang bisig. "M-ma…" "Oh? Bakit mo dala mga gamit mo sa trabaho?" nakataas kilay na tanong nito at bumalik sa paglilinis ng kuko nito. Napalunok na lang si Hera nang manuyo ang kaniyang lalamunan. "M-ma, natanggal po a-ako sa trabaho." Natigilan ang kaniyang Ina at mabilis na napatingin sa kaniya. Kitang-kita niya ang pamumuo ng galit sa mga mata nito. "Ano?" pabulyaw na tanong nito at tumayo. Taas baba ang dibdib nito na tila kinakalma ang sarili sa nag uumapaw na galit. Napakagat si Hera ng kaniyang labi at hindi mapigilang matakot. Kinakabahan siya na ganito ang kaniyang Ina. Sila lang dalawa sa bahay at wala ang kaniyang stepfather dahil wala ang motor nito sa labas. Kahit na ayaw niya sa kaniyang stepfather ay tinutulungan pa rin siya nito. Lalo na kapag galit ang kaniyang Ina sa kaniya. Pinapakalma nito ang kaniyang Ina kaya hindi siya nasasampal minsan. "Ulitin mo nga ang sinabi mo Hera! Paanong natanggal ka ha? Ano na namang kabaliwanan ang ginawa mo?" Mas lalong nanuyo ang kaniyang lalamunan sa kaba. "M-may nang h-harassed po kasi sa akin, k-kaya sinampal ko…" mahina niyang wika at niyuko ang ulo. Ramdam niya na natigilan ang kaniyang Ina dahil sa kaniyang sinabi. Parang may kung anong mainit na bagay ang dumaan sa kaniyang puso. Ito ang pinakaunang beses na nagtangka siyang sabihin sa kaniyang Ina na may nang harassed sa kaniya. Hindi ito ang unang beses na may nang harassed sa kaniya pero hindi niya sinasabi 'yon sa kaniyang Ina dahil ayaw niyang mag-alala ito. Ngayong nasabi na niya ay hindi niya mapigilang mapangiti. Siguro nag-aalala at nagagalit na ngayon si Mama dahil sa aking sinabi– "Eh ano ngayon kung na harassed ka? Hera naman! 'Yan na nga lang ang naiambag mo dito sa bahay, nag inarte ka pa. 'Di ba sabi ko sayo mag prostitute ka? 'Yan! Masanay ka na diyan! Magpahipo ka para may pera ka! Wala ka talagang kuwenta, lumayas ka nga sa harap ko! Baka mandilim paningin ko at makalimutan pa kitang anak kita, punyeta ka." Pinigilan ni Hera na maiyak dahil sa matatalim na salita ng kaniyang Ina. Mabigat ang dibdib na naglakad siya papunta sa kaniyang silid. Nang makarating na siya roon ay hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak nang umiyak. Ano ba ang iniexpect niya? Na mag-aalala at magagalit ang kaniya Ina dahil na harassed siya? Nakalimutan niya ata na walang pake ang kaniyang Ina sa kaniya. Pero kahit na alam niya ang totoo ay hindi niya pa rin mapigilan umasa na sana ay mahalin din siya nito kagaya ng pagmamahal nito sa kaniyang mga kapatid. Kung hindi lang sana nangyari ang insidente noon ay baka masaya pa sila ng kaniyang Ina kasama ang kaniyang tunay na Ama. Buong araw na nagkulong si Hera sa kaniyang silid. Hindi siya lumabas at doon na nagpalipas ng gutom. Palagi siyang kinakatok ng kaniyang stepfather na nag-iisang may pake sa kaniya dito sa bahay pero may masamang balak naman. Madaling araw na siya bumaba at kumain. Ginawa niya ang mga trabaho sa bahay para hindi magalit na naman ang kaniyang Ina. Ganiyan ang kaniyang routine sa loob ng isang buwan. Gigising, naglilinis, at magluluto. Pagkatapos niya sa gawaing bahay ay mag-aayos siya ng kaniyang sarili para maghanap na naman ng matatrabahuhan. Isang buwan na rin siyang naghahanap pero wala pa rin siyang nakikita. Gusto na niyang sumuko dahil sa pagod pero kapag ginawa niya iyon ay papalayasin na talaga siya ng kaniyang Ina. Kaya lang naman ito hindi nagalit sa kaniya sa mga nagdaang araw na wala siyang trabaho ay siya ang naglilinis sa bahay. Ayaw niyang manatili na ganoon, lalo na at palaging nasa bahay lang ang kaniyang stepfather. Gabi na noong napag-isipan niya na umuwi. Naglalakad lang siya sa gilid ng daan dahil wala naman siyang pera pang bayad kapag sasakay siya ng traysikel. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa pagod. Gusto na niyang humilata sa kaniyang kama at matulog. Sa gitna ng kaniyang paglalakad sa tahimik na daan ay may bigla na lang kumalabit sa kaniya mula sa likod. Napasigaw siya sa nagulat at mabilis na lumingon sa kaniyang likod. Sumalubong sa kaniya ang nakangising lalaki. May dala itong envelope. Nakasuot ito ng itim lahat at mukhang mayaman. Guwapo ito at mukhang hindi purong Pinoy. "P-po?" kabado niyang ani sa lalaki. Ngumisi ito at tinuro ang kaniyang dala-dalang mga resumes at iba pa. "You're looking for a job?" tanong nito. Hindi mapigilang mapakagat ng kaniyang labi si Hera dahil sa pag eenglish ng lalaki. Kahit na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay nakakaintindi naman siya ng English. Kaya lang ay nauutal siya kapag nagsasalita nito. "A-ah? Opo." Mas lalong lumaki ang ngisi ng lalaki at binuksan ang envelope na dala-dala nito. May kinuha siya na kung ano at binigay sa kaniya. Napatingin siya sa binigay nito at binasa. "I'm Bryle by the way. I was looking for someone to hire and then I saw you. I guess you're interested…" makahulugan nitong saad nang makita ang nanlalaki niyang mga mata. "T-totoo po talaga to? I-isang daang libo sa loob ng isang b-buwan?" nanginginig na tanong niya sa lalaki na tumango lang. "Yes it is. You just need to go to that location and you can start tomorrow. And here's my calling card," pagkatapos nitong sabihin iyon ay umalis na ito na parang isang bula sa kaniyang harap. Nanuyo ang kaniyang lalamunan at hindi mapigilang tumili dahil sa sobrang saya. Sa wakas may trabaho na siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD