Sa mga sandaling iyon, ang nasa isip lang ni Hera ang ipalabas ang lahat ng sakit na kinimkim niya sa matagal na panahon. Nawalan na siya ng pakialam sa kaniyang paligid. Ang gusto lang niya ay ang iiyak ang sakit at pagkapagod na nararamdaman. Wala siyang pakialam kung yakap-yakap niya ngayon ang kaniyang Amo at parang bata na umiiyak sa dibdib nito. Tila na blangko ang kaniyang isip. Pagod na pagod na ang kaniyang puso kakaintindi sa ugali ng kaniyang Ina at mga kapatid. Kung ituring siya ng mga ito ay parang hindi siya ng mga ito kadugo. Minsan din ay naisip niya na baka nga hindi siya tunay na anak ng kaniyang Ina. Pero imposible rin naman kasi iyon dahil kamukha niya ang kaniyang Ina at ang kaniyang kapatid na si Natalie. Isa lang naman ang ibig-sabihin no'n, pamilya sila pero hindi