Sobrang bilis lumipas ng panahon at hindi namalayan ni Hera na isang linggo na pala ang lumipas mula noong unang tapak niya dito sa mansyon. Hindi niya alam kung dahil ba ay na enjoy niya ang mga segundo na nandito siya kaya hindi niya namalayan ang oras o kung ano. Sa lahat ng naging trabaho niya ay dito lang ata siya naging masaya at kuntento. Iwan niya ba pero nag eenjoy talaga siya maglinis sa buong mansyon. Walang nagdidikta sa kaniya kung ano ang gagawin at siya lang sa kaniyang sarili kung kailan niya gusto maglinis. Wala atang araw na hindi niya inaalagaan at nililinisan ang napakagandang mansyon na ito. Kahit na wala namang pake ang kaniyang boss kung mag lilinis ba siya o ano ay hindi pa rin niya magawang maging tamad at tanggapin lang basta ang malaking sahod na hindi ginagawa