Chapter One: Salvation

1358 Words
ISANG MALAMYOS na musika ang aking sinasabayan habang nandito sa harap ng entablado. Malamig, madilim, at tanging ang mga makukulay na ilaw lang na nagsasayaw din sa buong paligid ang aking nakikita, kasama na rin ang mga lalaking halos hindi na magkamayaw habang sumasamba sa mumunting laman na nais nilang makita mula sa akin. Napangisi ako bago ko sila inirapan habang patuloy na sumasayaw. Mabuti na lamang at sa bawat pagsayaw ko rito sa entablado ay palagi akong nakasuot ng isang itim na maskara upang hindi nila makita ang aking mukha. Para hindi rin nila makita ang tunay kong nararamdaman sa kabila ng mapang-akit kong katawan na kulang na lang ay ihain ko sa kanilang lahat. "Tangina naman, Sisa! Ibaba mo na 'yan! Tigas na tigas na ang t*ti ko rito!" "Hindi mo na kailangan n'yan, Sisa!" Mga putanginang hayok na hayok sa laman. Ang mga lalaking nandito sa bar na pinagtatrabahuhan ko ngayon ay sadyang nakakadiri. Ang iba rito ay mga matatanda na, at mayroon pa ngang may asawa na ngunit nagnanasa pa rin sa aking katawan. Ngunit, sino nga ba ang mas nakakadiri, sila na gustong tikman ang aking laman, o ako na patuloy pa rin silang inaakit kahit na alam ko naman ang baho nilang lahat? Sisa ang tawag nila sa akin dahil iyon ang alyas ko na sila rin ang nagbigay. Para raw kasi akong nababaliw kada nakaririnig ako ng malamyos na musika, parang si Sisa raw ang sabi nila. Sa bawat ritmo ng kanta ay sinasabayan ko iyon ng aking pag-indak at paggiling. Sa bawat paggalaw ko ay tumatambad sa kanila ang kakaunting laman na sumisilay sa kulay gray kong bra at panty. Kanina pa sila nagagalit dahil hindi ko pa hinuhubad ang aking undergarments. Darating din naman ako sa parteng iyon, masyado silang excited. "Kalma lang, darating tayo riyan," saad ko sa isang malamyos na wika. Mayroon kasing mic sa aking bibig dahil minsan ay nakikipag-communicate ako sa mga kalalakihan dito. "Sa ngayon, ayaw n'yo ba muna akong bigyan ng pera?" "Wooh!" "'Yan, tangina! Magpakasawa ka riyan sa pera kapalit ng katawan mo!" "Magpak*ntot ka na, Sisa! Balita ko ay wala pa raw nakakagalaw sa iyo! Paliligayahin kita nang higit pa sa inaasahan mo!" Napapikit ako nang mariin dahil sa mga naririnig kong 'yon. Tangina lang dahil kahit ilang taon na ako sa ganitong trabaho ay hindi ko pa rin masikmura ang mga gagong ito, maging ang trabahong ito. "Matitigan ka pa lang, parang lalabasan na ako!" "Ang sarap magsalsal habang pinapanood ka, Sisa!" Nagsigawan sila na parang mga ulol nang unti-unti kong hinubad ang aking bra at ang aking panty at hinagis ito sa kanila. Ang isa ay sinalo ang panty ko at inilagay iyon sa ilong niya, bahagyang sinisinghot iyon. Halos mapangiwi at maiyak ako sa senaryong iyon kahit na halos iyon naman ang nararananan ko sa araw araw. I dance and strip as f**k every night, like a w***e waiting for my prey to devour me. Nakakasawa ang ganitong trabaho ngunit ano ba ang magagawa ko? Ito lang ang tanging paraan na alam ko upang matugunan ang lahat ng pangangailangan namin. I couldn't use my brain, so I used my body to earn money. At sa totoo lang, malapit na akong maubos dahil sa lupit ng mundong ito pagdating sa mga taong katulad ko. "SISA, ayos ka lang?" paglapit ng isa sa mga naging kaibigan ko na si Jade, hindi niya tunay na pangalan, sa akin nang makita niya akong umiiyak dito sa sulok ng dressing room. "Gago talaga ang mga lalaking 'yon, stripper ka tapos ay gusto ka nilang i-take out? Wala ba silang utak?" Lahat ng nagtatrabaho rito ay may kan'ya-kan'yang alyas at bawal namin sabihin ang tunay naming pangalan. Si ma'am Cherry lang ang nakakaalam ng sa akin. Ako si Aleya Castello, at halos apat na taon na akong nagtatrabaho sa lugar na ito. Labingwalong taon ako nang kunin ako rito ni ma'am Cherry dahil nakiusap ako sa kan'ya na kailangan ko ng trabaho para mapakain ang dalawa kong nakababatang kapatid. Namatay ang mga magulang ko noong 17 years old ako dahil sa isang road accident. Nabangga ng isang malaking truck ang jeep na sinasakyan namin noon na siyang kumitil sa buhay ng mg magulang ko. Ilang beses kong inisip na sana ay isinama na lang nila ako para hindi na ako mahirapan pa, pero kung nangyari man iyon, paano na lang ang mga kapatid ko? Nakakapagod ang mabuhay. Tangina, kahit paghinga lang sa impyernong 'to ay parang hirap na hirap na ako. "Ayos lang," pinunasan ko ang aking mga luha bago ako tumingin sa kan'ya, "nakatakas naman ako sa kanila. Mabuti na lang at hindi nila ako nahablot." All of those men wanted to take me. Sinabi naman na ni Ma'am Cherry, ang manager namin dito sa bar, na stripper lang ako rito at hindi ako nagpapa-table o kaya naman ay nagpapa-take out, pero ayaw nilang tumigil. Handa raw silang bilhin ako kahit magkano. At ano 'yong halaga na tinutukoy nila? Mga dalawang libo o kaya naman ay limang libo. Mga inutil at tanga. Mag-ooffer na nga ang, mas mababa pa sa sinasahod ko rito sa araw araw. Kung mga milyon sana ang offer nila ay baka kinagat ko pa. Pero hindi naman pangmayaman ang bar na 'to. Imposibleng mangyari iyon. "Ikukuha kita ng tubig. Diyan ka lang," wika niya sa akin at iniwan ako. Kanina pa ako nauuhaw pero hinding-hindi ako iinom ng tubig aa lugar na 'to. Mukha man akong inosente dahil sa maputi kong balat at mahaba na buhok ngunit mautak ako. Mahirap na dahil baka may maglagay pa ng pampatulog sa inumin ko. Suot ang puting t-shirt, maikling shorts, at itim na jacket ay maglalakad na sana ako palabas ng bar para bumili ng tubig nang may biglang humawak sa braso ko. "Ano ba—" Akmang sisigawan ko sana siya nang mapatigil ako. Hindi dahil sa ang guwapo ng lalaking nasa harapan ko ngayon na nakasuot ng three piece suit, kung hindi dahil kaagad kong nakilala kung sino ang lalaking ito. Calvin Buenavista. Heir of the Buenavista Empire. Ano ang ginagawa niya rito at bakit niya ako kinakausap ngayon? "I want you to come with me," wika nito bago dumiin ang pagkakahawak niya sa aking braso. Napangiwi ako ngunit hindi pa rin niya ako binitawan. "Name your price. I'm willing to pay you." "Buhay mo," pambabara ko. It was a wrong answer, at alam ko 'yon. Dumiin ang kuko niya sa balat ko at halos magsugat iyon. Hindi ko babawiin ang sinabi ko. Sino ba siya para ganituhin ako? "Hindi ako nakikipaggaguhan, Aleya," saad nito sa isang ma-awtoridad na tono. "At mas lalong hindi rin ako— Bakit mo alam ang pangalan ko?" nakakunot-noo kong sambit. "That's none of your business," tumingin ito sa wristwatch niya bago muling ibinaling ang paningin sa akin. "We don't have much time, my lady. Now, decide. Are you going to take my offer or not?" Eh, gago pala ang Calvin na ito, eh! Crush ko pa naman siya kapag nakikita ko siya sa TV pero binabawi ko na! "Putangina ka ba—" I was about to curse him to death but suddenly, he pulled a handkerchief from his pocket and placed it on my mouth. Kaagad kong nalanghap ang pampatulog doon na nagpalabo ng aking paningin. Tila ay umiikot ang mundo ko habang nakatingin sa kan'ya ngayon na sobrang lapit ng mukha sa akin. His presence was intoxicating. Nanuot ang kan'yang amoy sa aking ilong kahit na unti-unti nang nawawala ang kamalayan ko. "If you don't want to come with me by peace, then I'll take you with force," rinig ko bago niya ako binuhat na parang pangkasal. "P-puta..." nanghihina na ako pero nagawa ko pa rin siyang murahin. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko na lang na pinapasok na ng mga pulis ang bar kung saan ako nagtatrabaho. Lahat ng babaeng nagtatrabaho roon ay kinukuha nila puwera lang sa akin dahil tuluyan na akong nailabas ng lalaking ito roon. "Are you here... to save me?" wika ko sa kan'ya sa isang mahinang tono ngunit pagngisi lang ang isinukli nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD