Third Person's POV Dalawang oras nang nakatingin si Zaida sa salamin at pinagmamasdan ang kanyang sarili. Bukas na ang flight nila ni Ms. Florie papuntang Paris. Handa na ang lahat, may isa na lang siyang bagay na nais gawin. Dahil hindi niya gusto ang amoy ng pulbo at lipstick hinayaan na lamang niya ang kanyang simpleng mukha. Walang pagmamadali na lumabas siya sa kanyang silid. Nadatnan niya si Ms. Florie sa living room na nagbabasa ng magazine. Umangat ang ulo nito at taas ang kilay na pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay napasimangot dahil sa hindi nagustuhan ang manang na porma niya. "Kung ako lang, ayoko sanang payagan ka na makipagkita pa sa kanya, baka mamaya magbago pa ang isip mo at hindi ka na sumama sa'kin," nag alalangang sabi nito. "Huwag kang mag a