Third Person's POV Dalawang araw na na-confine sa ospital si Zaida. Sa dalawang araw na iyon ay si Leny ang matiyagang nagbantay sa kanya at nagbibigay ng mga pangangailangan niya. Sa araw na ito ay na-discharge na siya sa ospital. Sa mansion ni Florie idineretso ang dalaga. Napagdesisyunan ng fashion designer na mas makabubuting sa poder na muna niya manatili si Zaida hangga't hindi pa ito maayos. Doon ay may mag aasikaso ng mga pangangailangan niya at magluluto para sa kanya. Naka stay-in narin si Leny sa mansion, may tinatapos silang mga damit para sa latest summer collection ng Florie's at s'ya ang pansamantalang naatasan kapalit ni Zaida na magsu-supervise sa mga mananahi na ginagawang matapos ang mga damit para umabot sa target date ng launching. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" t