Third Person's POV Hindi makatingin ng maayos si Zaida kay Grey. Nahihiya siya dito dahil sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman niya ito natanggihan. "Why are you not looking at me?" tanong ni Grey kay Zaida. Napansin nito ang hindi niya pagiging komportable. "Wa...wala, nahihiya kasi ako. Pangalawang beses ng nangyari sa atin ang ganito pero hanggang ngayon ay hindi pa natin kilala ang isa't-isa," aniya, kahit ilang beses ng may nangyari sa kanila, hanggang ngayon ay estranghero parin ang lalaking ito sa kanya. May pagtataka sa mukha na umusog ito papalapit sa kanya. "Until now you didn't know me?" tanong nito. Sunod-sunod ang naging pag iling ni Zaida. "Paano ko malalaman, eh, hindi mo naman sinasabi sa'kin kung ano ang pangalan mo," sagot niya sa tanong nito. "I... "