Third Person's POV Tinupad ni Grey ang sinabi niya kay Zaida, hindi na siya inabala pa nito. Nalulungkot man ay wala na siyang nagawa. Masakit sa puso niya na hindi man lang siya matapunan ng tingin nito at kahit na magkasalubong sila sa daan ay parang hindi siya kilala nito. "Ms.Zai, may kailangan pa po ba kayo? Five o clock na po kasi. Kung wala ka nang ipag uutos pwede na ba akong umuwi?" Ang tanong na iyon ng kanyang sekretarya ang gumising sa naglalakbay niyang diwa. Kanina pa niya hawak ang mamahaling kwintas na ibinigay sa kanya noon ni Grey, simula ng umalis siya ng bansa ay hindi na niya ito isinuot pang muli. Ang kwintas kasing iyon ang nagsisilbing isa sa magandang alaala niya kay Grey, noong mga panahong iyon ay akala niya pareho sila ng nararamdaman. "Sige, okay na, maa