Third Person's POV "Mister, saan ba tayo pupunta?"nagtatakang tanong ni Zaida sa estrangherong lalake. Nagulat nalang siya kanina nang bigla itong sumulpot sa kanyang harapan hinatak siya at isinakay sa mamahaling kotse nito. Natawa naman si Grey sa tanong niya. "I don't know either. All I know is just, I want to get out of that house to get rid of someone," sagot nito sa kanya na hindi inaalis ang mga mata sa daan at patuloy lang sa pagmamaneho. "And you, what are you doing in that place?" Balik tanong nito kay Zaida, hindi niya inaasahan na makikita ito sa lugar na iyon dahil ang buong akala niya ay sa resort ito nagtatrabaho kung saan niya ito huling nakita. "May hinatid lang akong damit kay Dra. Rivera," sagot niya. . Saglit na sumulyap si Grey sa dalaga. Nakita niyang hindi ito