Gold

2288 Words
The Confrontation Present Time *** "Dylan?" nanlaki ang mata sa gulat na tanong ni Aleesha nang mabungaran ang binata. Natulos siya sa kinatatayuan at hindi kaagad makakilos habang nakatitig sa dito. Hindi siya makapaniwalang nasundan siya nito hanggang sa penthouse niya. Paano ito nakapasok? "Why? Disappointed?" malamig ang boses na tanong ni Dylan habang madilim ang mukhang nakatitig sa kanya. Natigilan siya sa nababasang emosyon sa mukha nito. There's a hint of anger on his face as his jaw clenched and his teeth grit. "Expecting your husband? Sa pagkarinig ko hindi siya uuwi pansamantala," unti-unti itong humakbang palapit sa kanya habang matiim pa ring nakatitig. "Am I right?" Aleesha's breathing stops when Dylan stops in front of her. She can smell liquor in his mouth as his face draws closer to her. Pinigilan niya ang mapapikit dahil sa sobrang lapit na ng katawan nito sa kanya at ramdam niya ang init ng katawan nito. "What are you doing here? Paano ka nakapasok? Paano mo nalaman kung nasaan ako?" Sunod-sunod na tanong niya upang pigilan ang sarili na yakapin ito. Sabik na sabik na siyang mayakap ito. Alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang pigilan ang sarili sa paglalapit ng katawan nila. For nine years, wala siyang ibang hinangad kundi ang makita ito, mayakap at mahalikan. Wala siyang ibang hinangad kundi ang muli itong makapiling. Pero alam din niya sa sarili niya na imposible iyong mangyari. She needs to get away from him kung ayaw niyang saktan ito ng asawa niya. Worst of all, nasisigurado niyang grabeng parusa na naman ang aabutin niya. Pero bakit ayaw kumilos ng katawan niya upang iwasan ang presensya ng lalaki? "I'd been searching for you, for so long, Alee," marahang saad nito. Napapikit siya ng sinapo ng palad ni Dylan ang mukha niya. Ramdam niya ang init ng palad nito na humahaplos sa sakit at lungkot na nararamdaman niya. "Sa tingin mo ba talaga, hahayaan kitang makawala pa? No way in hell, Alee!” asik nito. “Kahit may asawa ka na, aangkinin pa rin kita. Dahil akin ka lang. You are mine and mine alone!" his gaze pierce through her soul. Dark and menacing as he said those words. Possessive. Territorial. Demanding. Aleesha wanted to say yes. She tried to beg him to take her out of the island, but no words could form in her mouth. Can he help me get out of this island? Can he save me? Her mind was shouting, but she couldn't speak a word. Nanatili lang siyang nakatitig dito habang nakaawang ang mga labi. "Babawiin kita, Aleesha. Babawiin kita dahil una kang naging akin. So don't ask me why I am here. Don't wonder kung paano ko nalaman ang penthouse mo at kung paano ako nakapasok dahil gagawin ko ang lahat makasama ka lang. Even it takes my life. I'll risk it for you. Pagkatapos kong mag-hanap kung saan-saan sayo, hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito," malamlam ang matang saad nito at kitang-kita ni Aleesha ang dumaang emosyon sa mga mata nito. He still cares for me! anang kanyang isip. Napapikit siya ng humaplos ang daliri nito sa kanyang labi. Pero agad ding napamulat nang biglang may maalala. data-p-id=3ea68d1ce14c16f755bf90a38308e44d,style=text-align:left;,Mabilis niya itong itinulak palayo sa kanya at may takot ang matang tumitig dito. "Paano mo natakasan ang bantay sa labas ng unit ko? No man is allowed to enter here, Dylan!" nag-aalalang wika niya. Ang mganda niyang mukha ay nabahiran ng pangamba. Paano kung mahuli siya ng asawa na nakikipag-usap sa lalaki? And worst sa loob pa ng penthouse niya mismo! She don't want any more trouble from her husband. "Tulad ng sabi ko, I have my ways, Alee," kaswal nasagot ni Dylan at muling inisang-hakbang ang pagitan nilang dalawa. Sa isang iglap ay nakakulong na siya sa mga bisig ng binata habang mahigpit siya nitong kayakap. "I missed you so much, my love. So damn much that it's making me crazy thinking over you for the past nine years!" he whispered. Aleesha wanted to let go but stop herself. Dylan's warmth relaxes her. Parang biglang nawala ang lahat ng agam-agam niya sa dibdib. Halos hindi siya maķahinga sa higpit ng yakap ng binata. Halatang sabik na sabik ito sa kanya. Pero ang takot sa dibdib na baka makarating ito sa asawa ay lalong lumalago kaya pilit niya itong itinulak. "Let me go, Dylan. May asawa na ako. Layuan mo na ako," pakiusap niya rito. Pilit siyang kumawala sa yakap nito pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "No, Alee! Please! Come back to me, my love!" nakikiusap na bulong ng binata. Natigilan sa pagpupumiglas si Aleesha nang marinig ang pag-susumamo sa boses nito. "I'd been longing for you for so long. Iniwan mo ako ng walang dahilan. Umalis ka ng walang paalam.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "And now we’ve met, you're saying may asawa ka na. Do you know how much it hurts me hearing those words, Aleesha? Alam mo ba kung gaano kasakit malaman na may iba ng nagmamay-ari sayo? Iyong tuwa ko nang makita kita kanina, ay abot hanggang langit, pero kaagad din iyong bumagsak at naglahong parang bula no'ng sinabi mong may asawa ka na..." Halata sa boses ni Dylan na nasasaktan ito. Dylan leaned his head on hers and closed his eyes. Aleesha can feel the sincerity in his voice. Kaya't kahit puno ng takot ang puso niya ay itinaas niya ang kamay at hinaplos ang mukha nito saka malamlam na tumitig dito. "I'm sorry..." is all she can say as he softly caresses his face. Bigla nitong naimulat ang mata. His deep blue eyes bore into hers. Asking. Waiting. Nanatili silang magkayakap ng ilang segundo. Tila nag-uusap ang damdamin nila at naiintindihan ang nararamdaman ng isa't isa. Hindi na kailangan ng salita upang ipadama ang pananabik na lumulukob sa bawat isa sa kanila. Aleesha's hand trembles as she caresses Dylan's face. It's rough with growing stubbles, and it's prickling her hands, but she likes what she's doing. Gusto niya kasing siguraduhin kung nasa harap nga niya ang binata na siyam na taon ng namalagi sa isipan niya kahit hindi niya ito nakikita. "Alee, please..." Dylan looked at her straight in the eyes. Nangungusap ang mga titig nito at naghahanap ng kasagutan habang nanatiling magkalapat ang kanilang noo. "Don't give me false hope. Don't act like you care if you still push me away. Baka lalo ko lang paasahin ang sarili ko na babalik ka nga sa akin." His lips hovered over hers. Naipikit muli ni Aleesha ang mata dahil sa sensasyong dulot ng mainit nitong hiningang bumubuga sa mukha niya. Ang mga kamay niyang humahapos sa pisngi nito ay kumilos at nangunyapit sa leeg nito. Nang magmulat siya ng mata ay nakita niyang titig na titig sa kanya si Dylan. Puno ng pangungulila ang mga mata nito. "D-Dylan..." Bilang sagot ay mabilis nitong sinakop ang mga labi niya. It was fast that she gasped in shock lalo na nang maalala ang mga cctv'ng nakakabit sa penthouse niya. But his kisses was so tempting. It's tastes the same. The same Dylan that she used to know. Pero alam din niyang hindi siya dapat magpapadala sa temptasyon. Gamit ang buong lakas ay kumalas siya rito at mabilis itong itinulak na labis nitong ikinakunot ng noo. Naguguluhan itong tumingin sa kanya. "My husband! He will kill you once he found out na pumasok ka dito!" Bakas pa rin ang takot sa boses na wika niya. Hindi na nito pwedeng malaman ang maaring mangyari sa kanya sakaling malaman ng asawa na may lalaking pumasok sa unit niya and worst ay hinalikan pa siya. "Hindi niya malalaman, Alee." Sinapo ng palad nito ang mukha niya. "Hindi niya malalaman, okay? At kung malalaman man niya ay sinisigurado ko sayo’ng wala ka na rito. I will get you out of here," may diing wika nito. Mariin siyang napailing. "Dylan, may cctv sa bawat sulok ng penthouse na 'to! Ngayon pa lang ay nasisigurado ko ng pinaghahandaan na ng asawa ko kung paano ka patayin." Nanginig ang boses na saad niya. Natatakot siya sa maaring gawin ng asawa kay Dylan. Masuyong ngumiti sa kanya ang binata at hinaplos ng hinlalaki nito ang kanyang labi habang nakatitig sa kanya. Nababasa niya sa mata ng binata ang kasiguraduhan sa bawat sinasabi nito pero siya ang nagdududa na baka ikapahamak lang nito kung ililigtas siya ng binata. Isa pa, hindi siya maaring umalis ng isla hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan ang taong hinahanap niya na tanging asawa niya lang ang nakakaalam. "My love, your husband couldn't threaten me. I will gut him open first before he can lay his fingers on me. So, wala kang dapat ikabahala. Itatakas kita dito, okay?" Nangangako ang matang tanong ni Dylan sa kanya. "You don't know my husband. Hindi mo alam kung anong klaseng tao siya. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin kung sasalingin mo ang pag-aari niya. And I'm one of those..." halos hindi niya masabi ang huling salita. Kahit siya ay hindi kayang aminin sa sarili na pag-aari siya ng asawa. Yes. May asawa na siya. Hindi na siya dapat nakikipaglapit sa ibang lalaki. Lalo na kay Dylan Harrison. "Walang ibang may nagmamay-ari sa’yo kundi ako, Alee. I brand you like mine the moment I saw you in that club, nine years ago!" Dylan said firmly. Hindi niya mapigilang mapaluha. What Dylan said touches her heart. Yes. She wanted to hear those words. Gusto niyang iparanas sa sarili na may taong nag-aalala para sa kanya. That there is someone genuinely caring for her, owning her like a precious treasure. Not like her beast of a husband. But all that was just a fantasy. Kailanman ay hindi na siya makakaalis sa islang kinasasadlakan. Nanghihinang napaupo siya sa sofa na naroon bago ito tiningala. "This island is heavily protected, Dylan. Hindi basta-basta makakalabas dito. And even if I get the chance to get away from here, I won't. I need to stay here." Tumabi ng upo sa kanya sa sofa si Dylan. "What's stopping you, Alee? I'm already here. Ililigtas kita. Makakaalis ka dito. Trust me,” nangangakong wika ni Dylan. Ikinulong siya nito sa matitikas nitong braso at masuyong niyakap bago hinalikan sa ulo. "Let me go, Dylan. I won't be coming with you," mahinang saad niya. Narinig niya ang mahina ngunit marahas na pagtawa ni Dylan bago siya marahang pinakawalan at binigyang distansya ang pagitan nila sa sofa. Matalim ang mata at nangangalit ang bagang na tumitig ito sa kanya. "Why? Do you love him?" mapait nitong tanong. Hindi siya umimik at napayuko. Hindi niya kayang salubungin ang matatalim na titig ng binata. She can feel his anger covering his true feelings. Alam niyang nasaktan ito dahil sa pagtanggi niya sa alok nito. Nang hindi siya umimik ay muli itong nagsalita. "Huh!" he scoffed. "Ano nga ba'ng ini-expect ko? Maraming taon na ang lumipas," saad nito. "Nagbabago ang damdamin ng tao, Alee. It's either growing or fading. And I bet, you chose the latter," naging mahina ang boses na wika nito. Iniwas nito ang tingin sa kanya. "Dylan..." umusod siya palapit dito at hinawakan ang kamay nito. Hindi niya kayang makita itong nasasaktan. Iwinaksi nito ang kamay niya at mabilis na tumayo. Napahilamos ito sa mukha upang labanan ang frustrasyon. "Stop it, Aleesha. I knew it! Kaya nga asawa mo siya dahil mahal mo siya ‘di ba? Bakit nga ba ako umasa? Bakit nga ba ako umasang babalikan mo pa ako kung may asawa ka na? I’m such a fool!" puno ng hinanakit ang boses nito habang nakatingala sa ceiling. Nang bumaba ang tingin ni Dylan sa kanya at nagkasalubong ang titig nila ay kitang-kita ni Aleesha ang sakit na bumalatay sa mga mata nito. "I’m sorry for coming here. It was a mistake," malamig na wika nito bago humakbang palapit sa pintuan at hindi na siya tinapunan ng tingin. Tahimik na napaluha si Aleesha habang nakasunod ang tingin sa binata. She wanted to stopped him and tell him that he's wrong. That she never loved her husband. Na ito pa rin ang mahal niya pero natatakot siya. Natatakot siya sa maaring kahihinatnan ng kilos niya. Mahal rin ba siya ni Dylan? Kaya ba gusto nitong bawiin siya sa asawa niya? Dahil sa loob ng halos isang taon nilang pagsasama noon ay hindi pa niya ito narinig na nagsalita na mahal siya nito. dNanatili siyang nakaupo sa sofa at gulong-gulo sa sarili kung ano ba ang dapat sundin. Puso o isip? But she knows that she need these two to work everything out. The brain dictates our heart to feel love. Kaya ang utak nasa taas upang ‘di magpatalo sa bugso ng damdamin, pero bakit laging ang sigaw ng puso ang nasusunod? "Don't worry; we already hacked the CCTV. No one will know that I came here," Napatingala siya sa binata dahil sa sinabi nito. Pero wala na itong lingong-likod na dire-diretsong lumabas ng penthouse niya. Nanghihinang napadausdos sa sofa si Aleesha. She wanted to stop Dylan. Grab him and embrace him tightly. She missed him, so damn much! Pero hindi puwedeng mangyari ang gusto niya. Ayaw niyang mapahamak ang nag-iisang taong labis niyang pinapahalagahan kung sakaling gagawa siya ng kasalanan sa asawa. At sigurado siya, malaking kaparusahan ang naghihintay sa kanya kung malaman ng asawa ang pakikipag-usap niya kay Dylan. Kaya kahit ano pang dahilan ng huli kung bakit ito narito sa Isla Lobos ay wala na siyang pakialam. Kung puwede niya itong iwasan ay iiwas siya. Hindi siya gagawa ng gulo na alam niyang ikakapahamak niya. But can she avoid the temptations of Dylan Harrison? Nanlalambot ang katawan na napahiga siya sa sofa. She knows she's in big trouble.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD