Dylan looked at Kraven with eyes dancing with amusement. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. Ang idinahilan nito kung bakit sila nakaalis ng sixth floor at ngayon nga ay nakasakay ng elevator pababa. Nais niya itong tanungin ngunit alam niyang wala rin siyang makukuhang sagot. Kraven is mysterious as f*ck. Hindi ito magsasalita kung ‘di nito feel. Kaya hinayaan na lang ito ng binata. Napailing siya at napasandal sa pader ng elevator. Nasa isip pa rin niya ang kalagayan ni Aleesha. Hindi siya sigurado kung ayos lang ito o kung ano'ng ginawa ng asawa nito sa kanya. Dahil alam niyang bistado na sila ng asawa ni Aleesha, kailangan na nilang mag-ingat nang mabuti. Napatayo ng tuwid si Dylan mula sa pagkakasandal sa pader ng elevator ng bigla niyang narinig na nagsalita si Porsche sa earp