Konti na lang ang oras na natitira para kay Dylan bago umalis ang eroplanong magta-transfer sa mga kababaihan na kailangan nilang iligtas. He didn’t waste time anymore. Lakad takbo ang ginawa niya papunta sa runway ng isla na walang hinto-hinto habang ang nasa isip ay si Aleesha, hindi ang kababaihan na dapat iligtas. Iniisip niya kung paano humingi ng tawad dito dahil hindi man lang niya ito napuntahan bago siya makaalis ng isla. Ngunit nangangako sa sarili si Dylan na babalikan niya ang babaeng minamahal matapos kitlin ang buhay ni Dominguez. With that Aleesha will be free to be with him. “Rick, come in. Status?” “Five minutes, Harrison.” “Damn it!” Lalo pang binilisan ni Dylan ang takbo habang patuloy na iniiwasan ang landmines. Hindi pa siya nakalabas sa forestry kaya may mga landm