Ang isang araw na sinabi ni Elliot na manatili ito sa Cebu ay naging isang linggo. At isang linggo na ring naghihintay si Aleesha sa pagbabalik ng kuya niya, ngunit ni anino nito ay wala siyang nakita. Tinanong na rin niya si Zeneca kung may alam ito dahil malapit lang ang lugar nito sa Cebu, sa kinaroroonan ni Elliot, ngunit wala rin itong alam. Kahit si Forester ay wala ring alam tungkol sa binata, at dahil abala na ito sa negosyo nila sa Maynila at hindi na ito naglagi sa Tagaytay. Speaking of business, Aleesha already asked Dylan about this and she was glad dahil pinayagan siya nito. Ang problema nga lang ay kailangan niyang tumira sa Maynila. Nag-offer si Forester na tumira siya sa condo nito ngunit kaagad na tumanggi si Dylan dahil may condominium ito sa Maynila at nais nitong doon