Echo

3254 Words
LOBOS DE TIERRA Five days earlier SOUTH AMERICAN SEA "What's the plan, f*ck*rs?" walang buhay na tanong ni Dylan sa mga kasama habang abala sa paghahanda ng gagamitin papuntang Peru kung saan ang next mission nila. Ang iligtas ang mga babaeng kinidnap ng RDS at alamin ang guano mining ng mga ito na matatagpuan sa Isla Lobos, sa Peru. This mission was given to them three months ago, but after what happened to him and Kurt Larsen while rescuing Paisley, they're two months late. Dahil sa nangyari sa hideout ng RDS sa Batangas, the auction was moved to next month, na ipinagpasalamat ni Dylan dahil tuluyang gumaling ang sugat na natamo niya. At ngayon lang sila nagkaroon ng exact lead kung saan matatagpuan ang Isla Lobos upang iligtas ang isang agent ng CSS. Hindi sumama si Larsen sa kanila dahil onleave ito upang bantayan si Paisley sa kakatapos lang na operasyon sa utak nito. Kraven and Rick came with him instead. Nasa karagatan sila ng South America kung saan nakadaong ang aircraft carrier na pag-aari ni Tyler Del Mundo, his one and only buddy na mahilig mangolekta ng kagamitang pandigma. Sa carrier ni Tyler nakalapag ang private plane niya dahil malapit ito sa next mission nila. Dylan acted as a drug baron, an illegal clubhouse owner, and a human trafficker. Rick is his, as always, computer genius and Kraven, his whiny bodyguard. Abala si Dylan sa paglalagay ng armas sa duffle bag nang magsalita si Kraven. "I can't believe I am your f*ck*ng bodyguard, Harrison! But because I know Peru better than any of you," he pointed to him and Rick before continuing, "so I let myself tag along," dagdag na reklamo ni Kraven. Saka ito pabagsak na umupo sa upuan ng private jet pagkatapos nitong ilagay ang backpack sa compartment. "Ahh! I will miss one month of my se* life!" Humilata ito na para bang pagod na pagod. "Stop being a se* addict, you f*ck*r! Hindi ka na naawa sa mga babaeng kinakama mo. Alin ba sa parte ng katawan ng babae mo ang walang latay?" naasar na nag-angat ng tingin si Rick kay Kraven mula sa kinaabalahan nitong laptop. Rick has always been busy. Mula nang mawala ang asawa nito limang taon na ang nakakalipas ay halos mahirap na itong kausapin dahil lagging laptop nito ang kaharap. Napailing si Dylan dahil ngisi lang ang isinagot ni Kraven. They both know what Kraven’s s*x life is. He’s dominant. No, more significant than that. He’s a sadist. "Ano na lang kaya ang mangyayari kapag nakatagpo ka na ng babaeng mamahalin mo?" dagdag pa ni Rick. May bahid ng concern sa boses nito. Nakaupo ito sa upuang kaharap ni Kraven sa sofa set ng jet niya habang abala ito sa laptop nito. Kraven looks at Rick flatly. "And why are you talking about my love life, you A'hole? As if I would have it!" Mapait na tugon ni Kraven bago nakangising nagsalita upang itago ang emosyon ng boses nito. "Besides f*cking without feelings is heavenly good!" He grinned as if imagining something. Binato ito ni Dylan ng box ng condom na hindi niya alam kung sinong sinto-sinto ang naglagay sa backpack niya. He is a decent guy, and he always has a magic bag for his lust, but not for this mission. Isa pa ilang buwan na rin siyang tigang dahil wala siyang ganang mangbabae. "Who the hell put condom in my bag?" naiinis na tanong ni Dylan sa dalawang kasamahan. He doesn’t like it when someone meddles with his things. Madilim ang tinging sinalubong niya ang tingin ng dalawang kasama na magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya ng walang ekspresyon. "Who would meddle with your things? We're not interested!" sagot ni Rick na hindi man lang siya tinapunan ng tingin dahil abala pa rin ito sa laptop nito. Kraven chuckles and continues reading the magazines he always brought along. "My boy," a strong set of arms wrapped his shoulders as a familiar voice sounded in his ear. "You need that. Alam kong ilang buwan ka ng tigang!" kantiyaw pa nito. Dylan grimaced when he heard Tyler’s voice. He tsked and faced him with his face darkening. "What the f*ck are you doing here, Del Mundo?" naaasar pa ring tanong ni Dylan sa bagong dating na si Tyler. Sa inis niya ay nakalimutan niya na nasa carrier sila nito. Nakakalokong ngisi ang sumalubong sa kanya nang bumaling siya rito. "You're the one who put the condom in my bag, you f*cker!" naiinis na sigaw ni Dylan. Mabilis niyang inikot ang katawan upang makawala sa pagka-akbay ni Tyler. Sa isang iglap ay nasa likuran na siya nito at naigapos niya ang magkabilang kamay ng kasamahan sa likod nito. "You need it, Harrison! Ilang buwan ka na bang tigang?" he still teased him before hastily bending down while carrying him on his shoulder before dropping him heavily on the plane's carpeted floor with a soft thud. Nakangisi pa rin ito habang nakatungo sa kanya. "And why the hell is it a medium size? I'm not a medium, you mother*cker!" Mabilis niyang pinatid ang paa nito dahilan upang mapatumba ito sa tabi niya. Nagkatawanan sila. "Because, Harrison, hindi ka na Extra-large! Baka kasi lumiit na yang alaga mo dahil hindi nababanat! How many months are you celibate, huh?" nakangising tudyo pa ni Tyler. Hindi ito pinansin ni Dylan. Walang imik siyang tumayo at inilahad ang palad dito upang tulungan itong makatayo. Ilang buwan na nga ba siyang hindi nambabae? Hindi na niya mabilang. Inabala niya ang sarili sa pagpapatakbo ng negosyo niya at sa misyon niya. These past months his body wouldn't react to the beautiful women he'd met. Dahil ang isip niya ay muli na namang inukupa ng babaeng matagal na niyang kinalimutan. Ang babaeng pinangakuan niya pero iniwan lang siya. "Why are you here, Del Mundo?" agaw pansin ni Kraven kay Tyler na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan. Napalingon si Dylan sa mga ito saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit at ipinagsawalang-bahala ang tatlo. Magkatabi na ang mga itong nakaupo sa sofa. Tyler looked at the three of them flatly. "Let me remind you all that I owned this aircraft carrier. And currently, Harrison, your private jet is landing here!" Nakangising paalala ni Tyler sa kanila. Tumayo ito at lumapit sa tabi ni Dylan at muli siyang inakbayan. "I know that dimwit. Kaya nga dito kami naglanding kasi malapit 'tong carrier mo sa South America ‘di ba? Ang tanong ko, bakit ka nandito? Huwag mong sabihing…?" hindi na ni Dylan natapos ang sasabihin nang makita ang klase ng ngisi ni Tyler habang nakaakbay ang isang braso sa kanya. “Damn it! I know it. You’ll be piloting his jet!” Kraven is smirking when he asks Tyler. Alam kasi ng mga kasamahan ni Dylan na ayaw niyang ipalipad ang private jet sa iba. "Of course! I'm suited for it. I'm the best jet fighter pilot after all!" nakakalokong sagot ni Tyler bago tumingin sa kay Dylan. "No way, Del Mundo! You're not flying my baby!" mabilis niyang angal. He would not let Tyler pilot his private jet. Kahit ito pa ang pinakamagaling na piloto. No way in hell. “But I am, Harrison!” giit nito. Dylan loved his jet so much. Ayaw niyang may ibang nakaupo sa cockpit ng eroplano niya maliban sa kanya. Mahal na mahal niya ito hindi dahil sa isa ito sa dalawang private jet niya na pinaghirapan niyang mabili pero dahil maraming masasayang alaala ang eroplanong ito sa kanya. Bukod sa pamilya niya ay may isang taong nagbigay sa kanya ng hindi malimutang alaala dito sa loob mismo ng cockpit ng eroplano niya. At ayaw niyang may ibang makapasok doon dahil sa tingin niya ay pinapakialaman ang pribadong buhay niya. "No way in hell, Tyler! I will be the one piloting my jet. You can go and play with your own jet fighters. But I'm not letting you touch my plane!" seryosong banta niya kay Tyler saka sinalubong ng matalim ang tingin nito. "Oh, come on, man! Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?" pamimilit pa rin ni Tyler. Wala talaga itong balak sumuko. Of course, may tiwala siya sa kaibigan. Tyler is one of the elite pilots of the US Navy SEAL. And he owns a private force inherited from his bloodlines—an old rich man kid. "Of course, I have! Kailan ko ba pinagdudahan ang kakayahan mo, del Mundo?" Dylan finally stopped from checking his things and gradually faced Tyler. Malalim siyang napabuntong-hininga. "Alam mo namang—" "Yeah, yeah! Memories, memories, memories!" putol ni Tyler sa sasabihin pa sana ni Dylan. Sa lahat ng kaibigan niya tanging si Tyler lang ang nakakaalam tungkol sa babaeng nakarelasyon niya na pinahalagahan niya ng husto. Dahil hindi sinasadyang napaamin siya rito noong pareho silang lasing. "C'mon, man! Give Del Mundo a chance! Baka maglupiga pa yan mamaya sa sahig!" pang-aasar ni Kraven sa kanya saka binato nito ng box ng condom si Tyler. "Nope! Not happening!" Iling niya at hindi ang mga ito pinansin. Tumalikod siya at akmang hahakbang patungo sa cockpit nang bigla siyang natigilan. Ang akala niya ay titigil na si Tyler sa pangungulit dahil hindi niya pinayagan pero nagulat na lang sila nang bigla na lang itong naglupiga sa carpeted na sahig ng eroplano, tulad nga ng sinabi ni Kraven at parang batang nagsimyento. Nagkatawanan sina Rick at Kraven habang siya ay hindi makapaniwala na nakatanga rito. "What the heck, Tyler!" sabay na bulalas nina Kraven at Rick, na napatigil na sa paglululimikot ng laptop nito. Napailing si Dylan habang nakapamaywang na nakatingin kay Tyler. Hindi niya maintindihan kung ano ang maramdaman. Kung maiinis o matatawa dahil sa pinanggagawa ni Tyler. "Oh, C'mon, Tyler! Don't be a baby! Hindi mo ako madadala sa pagka-isip bata mo! I will pilot my plane. Period!" mariing aniya habang nakamata sa kasamahan. "Please, please, let me drive this, Harrison! Only one time," parang batang nagmamaktol na wika nito at sinamahan pa ng pekeng pag-iyak. At ang loko ay talagang nagpeke pa ng luha at may pasinghot-singhot pa ng sipon na lalong ikinaasar ni Dylan. "f**k, Del Mundo! Stand up! You’re so gross!" bulyaw ni Rick dito nang hindi na ito makatiis. Umingos lang ito at hindi pinansin si Rick. “If you don’t let me fly your jet, I will call my men and push this plane into the open sea!” Banta nito pero nanatili pa ring nakasalampak sa sahig. "Oh, c'mon, Tyler! You think madadala mo ako sa pananakot mo?" he countered back. Hindi niya pinansin ang pagbabanta nito. Tyler just smirked before taking out his phone and dialing a number. “Bring out the excavator. Lot 18.” Isinawalang bahala niya ang sinabi ito at umupo sa tabi ni Rick at hinintay ang tawag ni Uncle John bago sila tuluyang umalis. Nakalimutan na niya ang pagpunta sa cockpit Nagkatinginan silang tatlo nina Rick at Kraven nang makalipas ang ilang minuto ay may narinig silang ingay sa labas. Mabilis silang nagtungo sa pintuan. Dahil bukas pa ang pinto ng eroplano at naka-attach pa ang hagdan ay malaya nilang nakikita ang kumosyon sa labas. Sabay-sabay na nanlaki ang mata nilang tatlo nang makita ang excavator palapit sa kinaroroonan ng private jet niya. Mabilis niyang nilingon si Tyler na ngayon ay kampante ng nakahiga sa sofa habang nagbabasa ng Men's magazine na iniwanan ni Kraven. Nilapitan niya ito at inagaw ang binabasa saka pinamaywangan. "What the hell is it this time, Tyler?" nauubos ang pasensiyang bulyaw ni Dylan. Tumatawa-tawang bumangon ang loko saka tumingin sa kanya na may nakakalokong ngisi. "Let me fly this jet and bring you to Peru or else ihuhulog ko 'tong eroplano mo sa dagat!" Nakangising sagot ni Tyler. "Take note, your lot is just near the edge, madali lang itong i-excavate." "What? Are you f*cking serious?" hindi makapaniwalang tanong niya. But Tyler is Tyler. What he said must be done in the blink of an eye. Palibhasa may sayad yata ito sa utak basta eroplano ang pag-usapan. Pagdating sa pagpapalipad ng kahit anong klaseng sasakyang panghimpapawid asahan mo na pag kasama mo ito, ito ang dapat magmaneho. "Seriously, Del Mundo?" Rick said flatly. Naka-upo na ito sa pinanggalingang upuan at nakaharap na uli sa laptop nito. "Yes, I’m serious, Cedrick. You know me." Nagbago ang aura nito at dumilim ang anyo. Napailing si Dylan. Ayaw niyang magasgasan ang baby niya kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag. "Fine! Fly it back to base, but I am still the one who will fly my baby to Peru. Make sure na walang gasgas 'to, Del Mundo, or else ikaw ang babangasan ko." Pasalampak siyang humiga sa sofa saka asar-talong tinapunan ng nakakamatay na tingin si Tyler na ikinatawa lang ng loko. “No worries, Harrison! I will gladly fly this back to your kingdom.” Nakangising sagot nito. Napabalikwas siya ng upo dahil sa sinabi nito at pinukol ito ng masamang tingin. “Don’t! Just bring it to Isla Thalassina. I don’t want Liana to know I’m back!” Mabilis na pigil niya sa sinabi ni Tyler. “Bring it to the island. Larsen or Austin will take care of it.” "Ok, copy that!" Tumango ito nab akas ang ngiti sa mukha. Nakahinga nang maluwang si Dylan. Liana is one of his ex-girlfriends. Persistent ex to be exact. Naiirita na siya sa kakasunod nito sa kanya dahil kahit saan siya magpunta ay hindi siya nito tinatantanan. Kaya nagpapasalamat siya ng natuloy ang misyon niya sa Peru. "Uncle John is on the line!" Sabad ni Rick na ikinalingon nilang lahat dito. Saka lang nila naalala na kanina pa pala nila hinihintay ang briefing nito para sa misyon nila. Kaagad silang tumayo at lumapit kay Rick kung saan hawak nito ang laptop. Sumalubong sa kanila ang maaliwalas na mukha ni Uncle John. May hawak itong buko habang pasimpleng nakahiga sa recliner at nakikipag-usap sa kanila. Maliwanag sa kinaroroonan nito, ibig sabihin nasa kabilang panig ito ng mundo dahil sa kinaroroonan nila ay madilim na ang paligid. "Hey ‘gents!" bati nito saka sumipsip sa bukong hawak nito. Uncle John and his weird hobbies. Wala ito sa beach dahil wala naman silang nakikitang nagtatampisaw sa dagat dahil ang background nito ay kakahuyan. Pero nakasuot ito ng summer clothes na hindi angkop sa kinaroroonan nito. “Where are you? Alone time with your weird buddies again?” tanong ni Kraven. Sa tuwing nagbibigay ito ng briefing para sa misyon nila ay lagi itong wala sa opisina ng CSS sa New York. Kung hindi sa beach ay sa jungle katulad na lang ngayon. Uncle John chuckles before putting down the coconut and facing them at his laptop screen. "’Gent's, this is the safest and clean connection I've got here in Indonesia," wika nito bago sumeryoso ang mukha. The teasing and the childish grin on his face were gone. “Agents, this mission is to save Agent Lindsell from her confinement on that remote island. She’d been captive for three months, and we received reports that she was still alive. Tino-torture siya kapalit ng impormasyon tungkol sa CSS. Your mission is to bring her back.” Tumango-tango silang apat bilang sagot sa sinabi nito. "Remember agents, this island is secluded with high-tech security, incoming and outgoing. No one is allowed to enter or leave that island unless you're a member or invited by a member. And agent Lindsell was invited by a member, but she was spied by a RDS sub agent." Huminto ito sa pagsasalita at may tiningnan sa harapan nito na para bang may kausap sa kinaroroonan nito bago muling bumaba ang tingin sa screen. "Agents, remember this man," may ipinakita itong larawan sa kanila. "Meet Mr. Dominguez. He is one of the RDS founders. Malawak ang koneksyon niya sa Spain at South America, lalo na dito sa Asia. Siya ang may hawak sa operasyon ng RDS sa kidnapping and s*x slavery. He transferred girls from country to country and sold them to the highest bidder. Eliminate him and rescue their operation, which will happen five weeks from now." “Copy that, Uncle John,” sagot ni Dylan. "Agent Kraven, you handle Mr. Dominguez. Harrison and Rick, you two rescue the girls and return them to NY HQ. My guys will take care of them!” "You got me at Mr. Dominguez, Uncle John." Ngumisi si Kraven nang sumagot. “I know you, Kraven. You’re the same as him, and I presume you two know each other,” makahulugang sabi ni Uncle John. Lumawak ang pagkakangisi ni Kraven na ikinataas ng kilay ni Dylan. “And this is Mr. Nazzar.” Muli itong may ipinakitang litrato. “He will bring you to that island.” “What? Are you kidding, Uncle John? We’re teaming up with a guy who almost got us killed?” ‘di makapaniwalang pahayag ni Dylan. He knew Mr. Nazzar. He is a Saudi national who works with ISIS. Nakasagupa nila ito ni Austin sa isang misyon nila sa Afghanistan habang nire-rescue nila ang mga k-in-idnap na babae upang gawing s*x slave. Nag-backfire ang plano nila na muntikan nilang ikamatay dahil sa pagtatraidor ng kanilang sub-agent na naka-base sa US Army base sa Afghanistan. “Don’t worry, boys! Mr. Nazzar owes me. You can meet him in the capital of Peru, and he will bring you to the island,” Uncle John informed them. Hindi siya nakaimik. He knows Uncle John. May tiwala siya rito sa pamimili nito ng tauhan. They just need to follow the order, and everything will be in place. "How about Mr. Dominguez's wife? I heard she needs to be rescued. Sa pagkakaalam ko, isa lamang siyang pambayad utang. And she was forcefully brought there against her will," sabad ni Kraven habang nakatiim ang bagang na nakatingin sa screen ng laptop ni Rick. Malayo ang tingin nito pero ramdam ni Dylan ang galit sa boses nito habang gumagalaw ang panga nito nang magsalita. "It will be part of your mission if you kill Mr. Dominguez." Nakangising sagot ni Uncle John kay Kraven. “Copy that, Uncle John.” “Well, boys. As much as I want to show you Mr. Dominguez’s wife, I'm afraid it's extra work. I need to go. My guy's and I will go fishing," paalam nito. “Just make sure to meet Mr. Nazzar first before going to Isla Lobos!” Iyon lang at mabilis na nitong pinatay ang video call. "How do you know about Mr. Dominguez's wife?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Dylan kay Kraven. Ngayon lang niya ito nakita na ganito kaseryoso sa misyon. Kraven just smirked and returned to the sofa where he lay before Uncle John called them. Napailing siya. "Let's go, teams! Let's meet this Nazzar and blow up his head! I want to go back home and manage my empire! My business is missing me!" saad ni Dylan at pumasok sa cockpit ng jet plane nang siguradong maayos na ang lagay ng ka-team mate niya. Sumunod naman sa kanya si Tyler na mas excited pa keysa sa kanila kahit hindi ito kasama sa misyon at naririto lang upang guluhin siya. Hinayaan na lang niya ang kaibigan dahil alam niyang hindi rin siya nito titigilan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto. Hindi niya alam kung bakit masiyado itong addicted sa pagpapalipad ng eroplano kahit pa may fighter jet ang pinamamahalaan nitong private force. Isinawalang bahala na lang ni Dylan ang nasa isip saka inihanda ang sarili para sa misyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD