EXPLODE ARIA Ilang araw ang lumipas mula nang makaharap ko ang buong pamilya ni Ryan. Natapos ang pag-uusap naming iyon na napagkasunduan ang hindi muna paggawa ng anumang aksyon laban sa pamilyang kinalakihan ko. Dahil sa impormasyong ibinigay ko sa kanila, naintindihan nilang hindi nga magiging biro ang laban namin sa mga ito. Kung noon ay makapangyarihan na ang mga ito, paano pa ngayon na mas lumawak ang kanilang koneksyon? Mas makabubuti para sa aming lahat ang lumagay na lang sa tahimik at kalimutan ang mga pangyayari noon. That way, mas magiging ligtas kami. I’m afraid that they would find me after all these years and that they would do something to hurt me again pero higit roon, mas nangingibabaw ang takot ko na baka saktan nila ang pamilya Roswell. Pero alam kong hindi tu