MONSTER ARIA “Ryan!” Agad akong sumugod ng yakap kay Ryan nang pagbuksan ko siya ng pinto. Batid ko ang pagkabigla niya dahil sa pagdamba ko sa kanya pero agad din naman siyang gumanti ng mahigpit na yakap sa akin. Halos ibunton ko ang buong bigat ng katawan ko sa kanya but he didn’t seem to mind. He just soothed me by caressing my back. “I’m sorry, Annie… Sorry kung hindi agad kita napuntahan… I’m really sorry…” I buried my face on his shoulder. My tears were streaming down my face. Tahimik akong umiyak sa kanyang balikat. I’m just glad he’s here now… I’m just relieved to have someone beside me again… Parang isang malaking bato ang nawala sa aking dibdib nang mayakap ko siyang muli. Sa isang iglap ay nawala lahat ng takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay ligtas na ulit ako