EXCLUSIVE ARIA Pagkatapos naming kumain ng agahan ni Sky ay nagpasya akong tawagan na si Ryan. Nawala sa isip kong tawagan siya kanina pagkagising dahil wala pa ako sa huwisyo. I wanted to get some fresh air too kaya basta na lang ako naglibot sa mansyon ni Sky. I could already imagine how worried Ryan already is dahil bigla na lang akong nawala ng walang pasabi. And if he checked sa condo ko, mas lalo iyong mag-aalala kung nakitang wala ako roon. I was wondering though why my phone wasn’t ringing nonstop. Inakala ko pang na-lowbat iyon dahil patay na nang makuha ko. Manghihiram pa sana ako ng charger sa kanya pero nang buksan ko iyon ay nasa 20% pa ang battery. Binalingan ko si Sky ng may mapang-akusang tingin at saktong naabutan ko siyang nanunuod sa akin. Nag- iwas siya agad ng