DEMONS ARIA “Why was the launch postponed?” Naisip kong itanong kay Sky habang lumalangoy kami sa rooftop pool ng kanyang mansyon. Ikalimang araw ko na ngayon rito sa kanyang mansyon and just like the past few days, narito lang rin siya at sinasamahan ako. He just finished working on his laptop kanina. I was bored kaya naisip kong mag-swim. Sumunod siya sa akin pagkatapos niya roon. I’m not a chismosa naman pero since isa ako sa mga naabala ng na- postpone na launch ng kanilang bagong business, I think I have the rights to know rin naman the reason. Wala rin naman kaming masyadong mapag- usapan kaya iyon ang naisip kong itanong sa kanya. Dahil sa tanong ko, tumigil siya sa paglangoy para lumapit sa akin. Nakaupo na lang ako sa tabi ng pool wearing my neon green bikini. Magaling n