Hindi pa rin niya mapalis ang matinding kaba at pagdududa sa puso at isip. Sa rooftop siya dinala ng mga paa habang lutang ang isipan.
Mula sa rooftop, tanaw niya ang malawak na siyudad. Ang mga ilaw at Christmas lights ng mga naglalakihang mga apartments at mga streetlights ang nagsisilbing liwanag sa gabing iyon. Malamig ang simoy ng hangin, palibhasa ay buwan na ng Nobyembre.
Tumingala siya sa kalawakan. Madilim ang langit, mangilan-ngilan lamang ang mga bituin. Hindi niya masilayan ang buwan. Malamang nakakubli iyon sa makakapal at maiitim na ulap.
Napapitlag siya nang maramdaman ang mga bisig na yumapos sa kaniya mula sa likuran. Hindi niya ito sinaway, ni nilingon. She knew it was Ryan.
"I'm sorry from keeping you waiting, honey." Dinampian siya ng halik sa pisngi.
"Tapos na ba kayo ng kausap mo?" Hindi niya maitago ang pagtatampo sa tinig.
"Yeah. Si Nika, kilala mo na, right? My brother's girlfriend."
"Oo. I-ipinakilala mo na noon sa akin, 'di ba?"
Humugot ito nang malamim na hininga. "She's going to Madrid for my brother."
Hindi sigurado si Ysa kung tama ang hinala niya. She could sense sadness in Ryan's voice. Parang kinurot siya sa puso. Malungkot ba ito dahil aalis si Nika para sa kapatid?
"Sa lahat ng bagay, napakasuwerte ng kapatid ko," makahulugang anito. Muli niyang nahimigan ang lungkot doon. Ang kaibahan nga lang sa una, sa pagbanggit nito sa kapatid ay parang may hinanakit... may galit.
Kung hindi pa siguro nai-kuwento ni Donya Elvira, ang mama ng katipan— hindi pa niya malalaman na hindi lang basta magkapatid sina Ryan at Ryder. They were identical twin. Ni minsan, hindi nagkuwento si Ryan tungkol sa kakambal at hindi niya alam kung bakit. Hindi pa niya na-meet ang kakambal ng nobyo dahil nasa Madrid, Spain daw ito. Bihira itong umuwi sa Pilipinas. At kung uuwi man sa bansa, hindi rin ito nagtatagal. Nagbabakasyon lang ito. Masyado raw itong abala sa negosyo ng lolo nito sa Madrid.
"Naiinggit ka ba sa kambal mo?" Hindi niya maitago ang pagdududa sa tinig.
Mapaklang ngumiti si Ryan. "Of course not." When I met you, napawi ang anumang inggit na nakatanim sa puso ko para sa kaniya. Gusto pa sana nitong idagdag, pero ayaw nitong maghinala si Ysa tungkol sa relasyon nila ng kakambal, lalo na kay Nika.
"Paano na, hindi na tayo natuloy sa dinner, honey." Pag-iiwas niya sa topiko.
Bumuntunghininga si Ysa. Paano nga ba? Ang kinse minutos na sinabi nito, naging isa't kalahating oras. Hindi niya mapigilan ang hindi mainis sa nobyo.
Nahalata naman ni Ryan ang pagtatampo niya. Masuyo siya nitong iniharap at ikinulong ang mukha sa mga palad nito. Dinampian ng magaan na halik ang kaniyang mga labi.
Napapikit si Ysa sa sensasyong nanulay sa kanyang katawan mula sa mainit na labi ni Ryan. Until his kiss deepen. Hindi niya namalayang tinutugon na rin niya ang maalab na halik ng katipan. At kusa na rin siyang yumakap sa batok nito.
Mahigit isang buwan na rin silang magkasintahan at ngayon lang siya nahalikan ng nobyo. Masaya pala sa pakiramdam ang mahalikan ng lalaking iniibig.
Halos mapugto ang kanilang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Honey," anas ni Ryan sa punong tainga ni Ysa habang mahigpit siya nitong yakap.
Nagmulat si Ysa at sinalubong ang malamlam na titig ng nobyo.
"I love you so much, Ysa. Hindi kita kayang saktan. Ikaw lang ang mahal ko, ang babae sa buhay ko at gusto kong makasama habang ako'y nabubuhay. I'm sorry lately, naging abala akong masyado. 'Lagi pang late sa mga date natin," nagui-guilty na ani Ryan.
Napangiti siya. Madrama talaga ang nobyo. 'Lagi nitong sinasabi sa kaniya na hindi siya nito kayang saktan. Minsan biniro niya ito. Kunwa'y nagtampo siya at nagselos sa mga babaeng dumidikit-dikit dito sa opisina. Lalo na ang nobya ng kambal nitong nasa Madrid, si Nika. Palagi kasing magkasama ang dalawa. Kung hindi lang siya nobya ni Ryan pagkakamalan niyang may relasyon ang dalawa. Pero nang malaman sa nobyo na kababata ng kakambal nito si Nika at business partners ang mga magulang ng mga ito, nalinawan siya.
May dinukot si Ryan mula sa bulsa. A small red jewelry box.
Bigla siyang natigilan at takang tumingin sa nobyo.
"This is the reason why I invited you for a dinner date. Pero hindi natuloy, honey. Ngayon puwede ko bang ituloy ang balak ko sanang sabihin sa 'yo?" Nakangiting ani Ryan habang hawak-hawak nito ang maliit na kahon.
Kinabahan si Ysa sa tinuran ng nobyo habang nakatuon ang kanyang mga mata sa hawak nito.
Ysa gasped when Ryan opened the small box. Lumakas ang pagtahip ng kanyang dibdib ng masilayan niya ang isang diamond ring. Kumikislap ito habang nasisinagan sa liwanag ng buwan. May ideya na siya kung ano ang gustong mangyari ng kanyang nobyo. She's speechless that time. Until Ryan kneeled and hold her left hand and insert the ring in her finger.
"Ngayon ko lang naranasang umibig nang totoo. Sa 'yo ko lang naramdaman ang kakaibang damdamin na ito. Ikaw ang tanging gusto kong makasama habambuhay, Ysabelle. Will you marry me?" Sinserong tanong ni Ryan habang nakatingala at titig na titig sa kanya.
Napaluha si Ysa. God knows how much she loved Ryan. The first time she saw him, lihim niyang idinasal na sana ito na ang lalaking para sa kanya. Her first and last loved. At ito ngayon sa kanyang harapan para alukin siya ng kasal.
Nag-uumapaw ang saya sa kanyang dibdib sa mga oras na 'yon. Napangiti siya nang makitang hindi pa rin tumatayo si Ryan dahil hinihintay nito ang kanyang sagot.
Marahan siyang tumango rito. Hindi niya pinansin ang pangamba sa isip na baka magkamali siya ng desisyon. Mahigit isang buwan pa lamang ang itinagal ng relasyon nila. Pero hindi iyon mahalaga sa kaniya. Ang mahalaga lang ay mahal niya ito at mahal rin siya ng nobyo.
"Yes. I will honey." Sa wakas ay nasabi rin ni Ysa ang sagot kay Ryan.
Tumalon si Ryan sa sobrang saya dahil sa wakas pumayag si Ysa sa alok nito.
"Yes!" Sumuntok pa ito sa hangin. "I love you, Ysabelle!" Parang batang nagsisigaw si Ryan sa rooftop.
"Hoy! Nakakahiya. Baka may makarinig sa 'yo," saway niya.
Muli siyang niyakap ni Ryan at kinintalan ng halik sa labi nito, mabilis na binuhat at iniikot-ikot.
"Ryan honey, ibaba mo ako at baka mahulog ako." Nahihintakutang pakiusap ni Ysa, pero hindi siya ibinaba ni Ryan. Tumigil ito sa pag-ikot ngunit buhat-buhat pa rin siya.
"I love you, Ysa."
I love you too, Ryan honey." At muling tinugon ang halik ng nobyong si Ryan.
"AS IN, GANO'N kabilis?!" bulalas ni Rina. Pinanlakihan ito ng mga mata nang maikuwento ang pag-propose ni Ryan sa kaniya. Kahahatid lang ng binata sa kaniya sa apartment nila ni Rina. "Ysa, sigurado ka na ba talaga kay Ryan?"
Saglit siyang nag-isip, kinapa ang sariling dibdib. Oo. Iyon ang tugon ng puso niya. Pero sarili niya ang lolokohin niya kung walang bahagi sa isip niya ang pagtutol. No. Masyado pang maaga para pakasal kay Ryan.
Bumuntunghininga siya. "Basta ang alam ko, mahal ko siya, Rina," matamlay niyang tugon. Nang kaharap ang katipan at nag-propose ito ay hindi masukat ang tuwa sa puso niya. Pero ngayong nagsi-sink in sa kaniyang utak ang tungkol sa kasal ay tila nagdadalawang loob at isip siya.
"Hindi mo ba naitanong sa sarili mo o kay Ryan kung bakit ang bilis naman yatang alukin ka ng kasal? Aba, wala pang dalawang buwan ang itinagal ninyo bilang magnobyo, ah!"
Hindi maiwasan ni Rina ang magduda sa nobyo ni Ysa. Oo at boto ito para sa kaibigan, pero parang may ibang motibo ang lalaki dahil sa bilis nito. Aba'y mas mabilis pa ito sa bagyong Nepartak.
Biglang narahimik si Ysa.
"Si Nika Aguilar, wala ka bang napapansin sa kaniya, Ysa?" makahulugang tanong ni Rina. Parang may gusto itong tumbukin pero nag-aalangan sa kaniya.
Napakunot-noo siya. Isang taon na siyang nagtatrabaho sa Hermanos Clothing Line pero bihira lamang niyang makausap si Nika. Editorial model ito ng Glamour and Fashion Company na pag-aari din ng mga Aguilar. Malimit lamang niya itong makita sa Hermanos Tower. Iyon ay kung may pictorial din ito. Liban sa Editorial model sa kompanya ng ama, Fit model din ito ng Hermanos Clothing Line.
"Magmasid ka, Ysa. Oo nga't boto ako sa Ryan na iyan para sa iyo, pero sa Nika na iyon... duda ako," dugtong pa nito.
Lalong sumidhi ang matagal nang hinala ni Ysa. Pero wala siyang patunay, kaya ayaw niyang komprontahin si Ryan.
Napalunok siya. Parang biglang may bumara sa kaniyang lalamunan.
"Ikaw talaga, Rina, masyado kang mapagduda. Talagang malapit lang sina Ryan at Nika," aniya. Pero ang totoo, matindi rin ang kaniyang pagdududa.
"Magsigurado ka muna, Ysa. Puwede ba na paabutin mo muna ng ilang buwan o taon ang relasyon ninyo ni Ryan bago kayo pakasal? Bata pa naman kayo, a. Twenty six ka at Twenty Nine siya, marami-rami pa kayong magagawang supling."
Bakas ang kaseryosohan ni Rina kahit pabiro ang pagkakasabi sa mga iyon.
"Opo, lola." Ngumiti siya para makumbinsi na ang kaibigan na gagawin ang sinabi nito. Alam niyang hindi siya tatantanan ni Rina hanggang sa hindi siya sumasang-ayon. Sa loob-loob niya, tama ang kaibigan. At alam niyang nagmamalasakit lang ito sa kaniya.