Chapter 02: Enchanting To Meet You

1661 Words
“Thank you for the ride. That was quite an adventure,” aniya sa lalaking nakilala bilang si Vio Montreal. Inabot niya dito ang spare helmet saka muling inayos ang sarili. “I hope you'll give me a chance to be one of your actress.” Hindi niya sukat akalain na makakakilala siya ng isang producer na malayong malayo sa una niyang nakilala. Kahit paano'y nabuhay ang pag-asa sa kanyang dibdib na isang araw matutupad din ang kanyang mumunting pangarap. “It's my pleasure and enchanted to meet you, Savannah.” Inumang nito ang kamay sa harap na maluwag sa loob naman niyang tinanggap. She smiled and thanked him again. Ang dami nitong naitulong sa kanya sa gabing iyon. She somehow felt comfortable with his company where no judgement was intended. Muli itong nagpaalam sa kanya bago sumakay sa motorcyle at sumibat na. Sinundan niya ng tingin ito hanggang tuluyan ng mawala. Kinaumagahan, maaga siyang gumising at naghanda na pagbubukas ng kanilang botique. Katulong niya doon ang kaibigan at siyang nagpakilala sa kanya sa Cretia. Si Erinlea Carlos. Kapwa niya ito ramp model s***h aspiring beauty queen at palagi silang magkasamang dalawa kahit saang kompetisyong salihan. Noong matalo sila ay inaya siya nito agad na magpunta sa bansang iyon. Upon seeing the photos and reading articles about Cretia, she immediately decided to live there. “What happened to your gig last night?” Erin asked. “Disaster. They made me uncomfortable then revealed their hidden agendas.” Lahat ng nangyari ng nagdaang gabi ay na-kwento niya kay Erin mula sa muntikang pagkaka-harassed sa kanya hanggang sa pagligtas sa kanya ng isang misteryosong lalaki na nakilala niya sa pangalang Vio Montreal. “You mean Vio Montreal gave you a ride last night? The famous Hollywood movie and fashion show producer?” Erin still can't believed to what she just said. “He's a Cretian but grew up in USA. Ang alam ko kaibigan niya yung crown Prince ng bansang ito. The future King of this small country.” Gano'n pala siya kasikat, aniya sa isipan. “You're lucky, Sav. Nakuha mo ang atensyon ng isang Vio Montreal.” The door of their boutique swang open and a guy in formal suit went inside. He was wearing a black shades and has an earpiece just like what she saw in her ate Kei's bodyguards. May mga bodyguards din naman siya kaso hindi naman niya nadala ang mga iyon sa Cretia. Sa online na niya na-a-update ang mga magulang at kakambal sa mga nangyayari sa kanya doon. “Good morning! We're about to open this boutique in a while but you can check now our clothes.” Erin explained the various designs of their clothes and the kind of cloth used to it to the guy. “I'll buy everything.” Nagkatinginan kami ni Erin nung madinig ang sinabi ng lalaki. Unang araw palang nila pero may isang customer agad na willing bilhin ang lahat ng damit sa boutique. Simula nung mangyari iyong nagdaang gabi'y nahihirapan na siya magtiwala. The cost of each clothes can cover their loans, rent and other expenses. May matitira pa para muling makakuha sila ng stocks na pwedeng ibenta habang nagdi-disenyo siya ng mga damit na pwede nilang ibenta din sa lahat. “That would be great sir. How will you going to pay? Cash or credit card?” tanong pa ni Erin. “Cash.” He showed a suit case and opened it in front of them. There was a lot of Cretian money that looked like just came from the bank. “Are you Ms. Savannah Dominguez?” Tumango siya bilang sagot. Paano siya nakilala nito? As far as she could remember, no one in that country recognized her as the first runner up of Binibining Pilipinas. No one ever noticed a spare queen because people's focus were all on the title holder. Inabot ng lalaki ang isang paper bag at nung buksan niya'y naroon ang mga gamit niya na naiwan kagabi sa hotel. Her sling bag, the copy of the script and cellphone. Napatingin siyang muli sa lalaki. Only Vio knows that she left her belongings in the hotel. Tao kaya ito ni Vio? She was about to asked it but the just left after leaving the address where they could delivered all the clothes. “Sav, we hit our target sales today.” Tuwang tuwang sabi ni Erin sa kanya. “I'll prepare each clothes na. Can you deposited this now on our bank account?” “S-sure...” Hindi na niya alam ang susunod na sasabihin. Sinunod na lang niya ang utos ng kanyang kaibigan. Kinuha niya ang suit case at nilabas iyon papunta sa parking lot at ginamit niya ang sasakyan ni Erin. Magiging unang una siya sa banko ngayon dahil halos lahat ng establisyimento doon ay magbubukas pa lamang samantalang sila ni Erin ay magsasara na. Hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari. Why would Vio bought all the clothes inside their boutique? Iyon ba ang ipapasuot nito sa mga talent na na-discover nito? Ang hirap namang mag-isip ng sagot... bulong niya sa isipan. ~•~•~ Vio can't believed to what he just bought for him. A courier delivered all the clothes that was on Savannah's boutique in Vio's studio. Hindi tuloy magkanda-ugaga ang mga tauhan nito sa pag-aayos ng mga iyon. He stood up and check each clothes that was delivered there. Lahat ay gawa sa dekalidad na tela at matatalo noon ang ilang sikat na brand sa buong mundo. May ilang damit na dinesenyo pa daw at personal na tinahi ni Savannah. “You wasted your privilage in a good way now, Rion.” Vio said to him. Magagamit kasi nito lahat ng damit na iyon sa darating fashion show nito. “But this won't erased the fact that you used my identity last night. You're the crown Prince yet you still conning other people using my name.” Napangiwi siya. Expected na niyang magagalit ito sa ginawa niya pero hindi niya kasi talaga maaring sabihin ang totoong pangalan niya lalo't isang malaking sikreto ang paglabas niyang iyon sa palasyo. Iyon na ang pangalawang araw niya sa labas at nag-e-enjoy naman niya kahit na may bantay na ilang metro ang layo sa kanya. Nakamansid lang ang mga ito at ang mga nakakasalamuha niya ang inuusisa palagi. Si Vio lang ang hindi dumadaan sa mahigpit sa security check dahil kaibigang matalik naman niya ito. “I'm interested to this girl and I want you to invite her in your fashion show.” Pakiusap niya sa kaibigan. “She will just suspected us. How will I introduce myself to her?” “You're the crown Prince while I'm Vio Montreal.” Vio scoffed and thrown the pillow at him. Nasalo naman niya agad iyon at nilagay sa gilid niya. Madaming beses na nagpalit sila ng identity ngunit ngayon ay hindi na uubra dahil naipakita na sa buong bansa ang mukha niya bilang susunod na hari. Sa susunod na buwan ay kokoronahan na siya at itong pagliliwaliw niya'y para lang makapag-isip isip siya kung tama bang tanggapin niya ang posisyon sa umpisa pa lamang ay ayaw na niya. Only if his older sister was here, hindi na niya po-problemahin ang tungkol doon. “Let's stop playing now, your Royal Highness. Now is the time to be serious. You'll be the next leader of this country and over seventeen billion people will fall under you,” Malalim siyang napahugot ng hininga. May punto naman ang kaibigan niya iyon nga lang hindi pa din nag-si-sink in sa kanya na siya ang susunod na lider ng bansang iyon. Lalo pa't wala gaanong tiwala sa kanya ang ibang tao sa palasyo kabilang na ang kanyang ama. Bilang siya ang nag-iisang lalaki sa pamilya, walang ibang choice kung 'di ang ibigay sa kanya ang korona. Wala pa miski isang babae ang namuno sa bansang iyon na binansagang patriarchal. “I want to decide for myself, Vio.” “But it's not applicable to your status, Rion.” Tumayo siya saka tumungo sa glass wall at sumilip doon. Sinuksok niya sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay. He wanted to do something that will filled the emptiness inside him. “Let me do what I want, Vio. I only have a month before the coronation and the selection.” ~•~•~ “Delivery of the new clothes will arrive tomorrow.” Paalala sa kanya ni Erin. They're currently closing the balance sheet of the revenue for today. Naka-order na sila ng new set habang siya naman ay nag-umpisa na magdesign kanina pagbalik niya galing banko. “Saan kaya gagamitin yung mga damit natin?” Napaisip din siya at isang email na pumasok ang sumagot sa tanong niya. It was an email from Vio Montreal inviting her to ramp in a fashion week to held in Cretia Stadium. It was also mentioned there that she could bring her friend. Agad na pumayag Erin kaya naman tinanggap na niya ang offer dahil pagkakataon na daw para makamit niya ang pangarap niyang makilala sa hollywood. Vio Montreal could be her only way to achieved that dream of her. “Erin, eto ba talaga si Vio Montreal?” tanong niya nung mag-research siya online. Ibang mukha ang nilalabas at malayong malayo doon sa lalaking nakilala niya nung nagdaang gabi. Kung itong nakikita niya si Vio Montreal, sino naman yung nagligtas at gumamit sa identity nito? “Yes that's him but he's more good looking in person. Aakalain mong may bughaw na dugo katulad ng kaibigan niya.” Inagaw sa kanya ni Erin ang laptop at nagsearch din ito ng pangalan Prince Harrion Dale McAllister. Halos manlaki ang mga mata niya nung mamukhaan yung pinakitang picture sa kanya. It was the guy who saved her and introduced his self as Vio Montreal. “He's the one who saved me last night.” Siya pala ang crown Prince ng bansang ito... sambit niya sa isipan. She treated an elite guy like how she treated ordinary people around her. Gusto niya tuloy manlumo bigla at magpalamon na lamang sa lupa ngayon din. Crown Prince Harrion Dale McAllister, the future King of this small country. Dagdag pa niyang sabi sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD