Napangiti si Savannah ng abutan siya ni Rion ng isang pirasong rosas. Inamoy niya iyon saka muling binalingan ang binata. Kasalukuyan niya itong kasama sa paglilibot sa Downtown, Cretia. Iyon ang pinaka-abalang lugar sa bansang kinaroroonan niya. Pangalawang beses na din nilang magkasama ni Rion sa iisang lugar ngayon at tingin niya madadalas lalo't nalalapit na ang kanilang engagement. Hinayon niya ang tingin sa maaliwalas na kalangitan. Saglit sila huminto ni Rion sa paglalakad nung makita nito ang mga rosas na siya pinitas para sa kanya. “Are you still feeling homesick?” tanong sa kanya ni Rion. Natatandaan niyang na-kwento niya kanina na hindi siya gaanong nakakatulog nitong mga nakaraang araw. Para bang walang tigil sa pagtakbo ang kanyang isipan. Nangyari lang naman iyon nung makab