“Twin, wake up!” Hinawi ni Savannah ang mukha ng kakambal niyang kasalukuyang nakadagan sa kanya. Gano'n siya kung gisingin nito simula ng mga bata sila. Para silang iyong mga nasa palabas na Frozen dahil pati ugali ay tila hinubog sa dalawang karakter ng palabas na iyon. She's the prim and proper while Ciara is the playful one. Tinaklob niya ang kumot sa mukha pagkahawi sa kapatid ngunit saglit lang iyon dahil inalis na ng tuluyan ni Ciara ang kumot sa kanya. Revealing her almost naked body which she always do when sleeping. Nawalan na din siya ng gana magbihis pagkatapos mag-hot bath ng nagdaang gabi dahil sa pagod sa naging biyahe. “What do you want, Ara? I told Mom and Dad not to wake me up so early.” Reklamo niya sa kakambal bago tinakip ang isang unan sa kanyang mukha at inabot ang