"Saan tayo iinom?" Napalingon ako kay Xceron ngunit agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa daan. We're using his race car right now. Nasira ang bintana ng sa akin dahil sa lalaking inuntog ko ro'n kanina. Ipapakuha ko na lang 'yon at ipapaayos. "Sa bahay mo," tipid na sagot ko na lang. Natahimik na lang siya at nagsindi ng sigarilyo. Nakabukas naman ang bintana ng kotse n'ya. Hindi na lang din ako kumibo at nagpatuloy sa pag-drive. I still remember his exact address. Malakas naman ang memorya ko. Nang makarating na kami sa malaking bahay ni Xceron, agad siyang bumaba ng kotse. I also got off the car and followed him as he went inside his house. Tila ngayon ko lang na-appreciate ang bahay n'ya dahil agad akong tumakas kanina. Maganda 'yon at malaki, pero madilim ang disenyo... Ganoon di