"Aalis ka na?" Hindi na lang ako nagsalita at tumango. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng tinapay, hindi ako tumingin sa kan'ya. Pagkatapos naming mag-usap ni Calliope kagabi, hindi na ako nakatulog. Hindi naman siya nagalit, hinayaan n'ya ako na itigil ang misyon ko. Napansin n'ya rin na natagalan ako na hindi naman palaging nangyayari kaya hinayaan na rin n'ya akong tumigil. "Why? You have an easy access to your target here," Xceron looked at me and smirked. "You're no longer my mission... I admit, you're way stronger than me and I couldn't kill you," sabi ko na lang para hindi na siya magtanong pa. "The Adria I know wouldn't be defeated just like that..." sabi ni Xceron saka seryosong tumingin sa akin. "There must be a reason." Napaiwas ako ng tingin at tumikhim. Ininom ko na lang