"I'll make you regret that, Archante," I mumbled and smirked at him. Pinakiramdaman ko ang tali sa kamay ko. Seriously? Straw rope lang talaga ang ginamit n'yang panali sa akin?! Minamaliit n'ya ba talaga ako?! Napangisi na lang ako at buong lakas na binaklas ang pagkakatali ng wrist ko. Hinawakan ko pa 'yon at hinimas himas habang seryosong nakatingin kay Xceron na hanggang ngayon, nakatutok sa akin ang baril. Hinablot ko ang wrist n'ya saka sinuntok ang bisig n'ya dahilan para mabitiwan n'ya ang baril saka tinadyakan siya sa sikmura. Halos tumalsik siya at bumangga ang likod sa paanan ng kama. Kinuha ko ang baril na nalalaglag n'ya. Kumuha naman agad si Xceron ng baril na nakapatong lang sa kama n'ya at sabay kaming nagpaputok ng baril. Agad din naman kaming nakailag pareho. Sunod-