WLR7: Hindi Kailangan!

1658 Words
***Hera's POV*** - "Kumusta po sya? Kumakain po ba sya ng maayos?" tanong ko sa isang nurse. Nasa isang shelter ako. Mga madre ang nagpapalakad ng shelter na ito. Nagsusuport ako sa shelter na ito financially at minsan pumupunta ako dito para tumulong lalo na kung may mga activities na ginagawa dito. Actually, ang lolo ko talaga ang nagpapatayo sa lugar na ito, pero nung namatay ang lolo ko, iniwan nya ito kay Sister Lourdes, kaibigan ng lolo ko at ang nagmamanaged na sa lugar na ito simula palang. Tinatawag nga itong Mother Lourdes Shelter of Hope. Ang mga tinutulungan ng shelter na ito ay yong mga taong nakita sa kalsada at may problema mentally. Mga taong pinaniniwalaan na dumaan sa iba't- ibang klasing pag- aabuso na naging dahilan kaya nawala sila sa katinuan. Meron sariling psychologist at therapist ang shelter na ito para tulungan ang mga pasyente dito na gumaling hanggang sa handa na silang harapin muli ang mundo. Marami narin ang natulungan ang shelter na ito, at marami na ang nakapagsimula muli dahil sa tulong na nakukuha nila dito. Ang madalas kong pinupuntahan dito ay ang isa sa mga pasyente dito na naging malapit sa akin. Tinatawag ko lang itong Lorna kasi wala naman itong maalala sa nakaraan nito. Isa si Lorna sa pinakamatagal dito, halos siyam na taon na siguro ang nakakalipas. Medyo mahirap kasi ang case ni Lorna noon, meron itong schizophrenia, kaya kumuha ako ng sariling therapist at doctor nito para mas matutukan ito. Hindi namin mahanap ang pamilya ni Lorna dahil maliban sa wala itong maalala sa nakaraan nito, may malaking sugat pa ito sa mukha nito at hindi na ito halos makilala. Ang tanging pag- asa nalang namin ay ang tuluyang paggaling nito. Medyo okay na ito pero nanatili parin ito sa shelter habang pinapahanap ko muli ang pamilya nito. At si Lorna ang itinatanong ko dito sa nurse na kaharap ko. "Oo Ms. Montessa, medyo maganda ang pakiramdam nya sa mga nakalipas na araw at magana din syang kumain." Ms. Montessa ang nakasanayang itawag ng mga tao dito sa akin at pinatili ko na ganito lang kahit may asawa na ako. Napangiti ako sa sinabi nito. Agad din akong nagpaalam dito para puntahan ang Nanay Lorna ko. Parang ina na ang turing ko kay Lorna at tinatawag ko itong nanay Lorna. Magkaharap kaming naupo ni Nanay Lorna, masaya akong nakikinig sa kwento nya sa kung ano ang ginagawa nya sa mga nakalipas na mga araw. Sa kanya ako madalas pumupunta pag masama yong loob ko, natutuwa kasi ako sa kanya at gumagaan yong pakiramdam ko. Mayamaya lang nanlaki ang mga mata ko nang hinaplos nya ang pisngi ko, ang bahaging nasampal ni Draeven kagabi. Kaya naman itago sa make up ang pasa ko pero pag malapitan at pag titigan, talagang mapapansin ito. Maputi naman kasi ako. "Bakit may pasa ka? Ang asawa mo ba ang may gawa nito?" tanong nito. May nakikita akong awa sa mga mata nito. "Naku, hindi po Nanay Lorna!" tanggi ko agad at ngumiti pa ako. "Nabangga lang po ako sa pinto. Mabait po ang asawa ko. Hindi nya kayang manakit ng babae." Hindi ko pinagtakpan ang asawa ko sa mga huling katagan. Mabait naman talaga si Draeven at hindi naman talaga kayang manakit nito lalo na sa mga babae. Galit lang naman ito sa akin kaya masama ang pakikisama nito sa akin. At nasaktan lang naman ako nito kagabi dahil sa mga pinagsasabi ko. May kasalanan naman ako. Pinagsisihan ko rin naman ang mga pinagsasabi ko sa asawa ko. "Mabuti naman at mabait ang asawa mo. Isa ka sa mga babaeng sinu- swerte sa asawa." "Ah opo, ang swerte ko kay Draeven. Hindi lang sya mabait, masipag at matalino pa sya. At galing nga nyang magmanage sa business na iniwan ni lolo para sa akin. Proud na proud po ako sa kanya." totoong sabi ko kay Nanay Lorna. Sa kabila ng mga pinagsasabi ni Denver sa akin na ginamit lang ako ni Draeven kaya naging successful ito ngayon, naniniwala parin ako na lahat ng achievement ni Draeven ay iyon ay dahil sa pagsisikap nito. Alam ko naman na kahit wala ako, magiging succesful din si Draeven, naniniwala ako sa kakayahan nito. Pagod lang talaga ako kagabi kaya napagsalitaan ko ito pero pinagsisihan ko din iyon agad. At alam kong, ako ang dapat hihingi ng tawad sa asawa ko. "D- Draeven?" kunot- noo si Nanay Lorna. "Saan ko pa narinig ang pangalan yan?" "Sa akin po Nanay Lorna, lagi kong ikinu- kwento sayo si Draeven mula pa noon." ang sagot ko dito. "Ganun ba? Sayo ko pala narinig." Nakangiti akong tumango. Hindi pa talaga sya tuluyang magaling. May mga pagkakataon pa na nakakalimot sya at parang lutang ang isip nya. Pero gagawin ko ang lahat para gumaling sya at nang makasama na nya ang pamilya nya, lalo na ang sinasabi nya sa akin na anak nya. Mahal na mahal daw sya ng anak nya, hindi lang daw nya maalala kung sino ito. Pero madalas daw nya itong napapaginipan. Pagkatapos ng halos dalawang oras ay nagpaalam narin ako kay Nanay Lorna pero nangako ako dito na madalas ko itong bibisitahin sa mga susunod na araw. Papunta ako ngayon sa lugar na sinasabi sa akin ni Mr. Henry na magkikita kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang kailangan sa akin ng lolo ni Draeven at kung bakit biglang- bigla itong nakipagkita sa akin. Kasalukuyan akong nagmamaneho nang biglang naging blurred ang paningin ko, kasunod nito ay bahagya din nanakit ang ulo ko. Ilang araw na akong nakaramdam ng ganito pero binabalewala ko lang at ngayon parang tumindi ito. Kaya mabilis kong nahinto ang kotse dahil parang hindi ko na nakikita ang daan sa sobrang pagka- blurred nito. Nang nahinto ko ang kotse, ipinikit ko muna ang mga mata ko. Medyo kulang kasi ako sa tulog kagabi kaya siguro nagkaganito ako ngayon. Mayamaya lang, nawala din naman ang pananakit ng ulo ko. Kaya napagpasyahan kong ibuka ang mga mata ko. Kinuha ko ang bottled water na dala ko. Dahil lang siguro ito sa wala akong sapat na tulog tapos mainit pa ang panahon. Pinaandar ko din muli ang kotse nang medyo bumuti na ang pakiramdam ko. Pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kalaunan kaya naipikit ko sandali ang mga mata ko. Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang pasalubong sa akin ang isang kotse, mabilis kong nakabig ang manibela kaya naiwasan ko at naiba ang diretso ng kotse ko. Natakasan ko nga ang kotseng pasalubong sa akin, pero isang kahoy naman ang mababangga ko ngayon. Mas mabuti na ito kaysa sa kotse. Inihanda ko na ang sarili ko sa maging impact. Imbes na magwala ako, ni- relaks ko lang ang sarili ko. May airbag naman itong kotse ko. -------- Kasama ko na ngayon si Draeven, galing kami sa hospital. Wala naman napinsala sa akin dahil sa pagkabangga ko kanina. Nawalan lang ako ng malay, may mga tumulong sa akin kaya nadala ako sa hospital. Kilala ko ang doctor na tumingin sa akin dahil family friend ito ng pamilya ko kaya tinawagan nito si Draeven na puntahan ako sa hospital. Nakauwi naman ako agad at tatawagan lang daw ako ng doctor kung may problema sa mga laboratory na kinuha sa akin para masiguro na walang napinsala na kahit ano sa akin. "Ano bang nangyari, Hera? Next time, mag- ingat ka. Alam mo bang nakakadistorbo ka na sa akin. Meron pa naman akong mahalagang meeting kanina. Kung hindi lang si Dr. Perez ang tumawag sa akin, hinding- hindi kita pupuntahan. Ayaw ko lang isipin nya na wala akong kwentang asawa. Masira pa ang magandang imahe ko na pinaghirapan kong makuha." Ang sakit naman. Ang bigat sa dibdib. Wala man lamang akong mabanaag na pagkaalala sa boses nya. Alam ko naman na galit sya sa akin pero hindi ba sya nakadama ng kahit kunting pagkaalala sa akin dahil sa nadisgrasya ako. Pakiramdam ko tuloy, mas ikinatuwa pa nya kung---- nawala nalang ako. "I'm sorry!" tanging nasabi ko. Nag- init ang bawat sulok ng mga mata ko. Napatingala ako sa bubong ng kotse para mapigilan ang tuluyang paglaglagan ng luha ko. Mas lalong nagdulot ng pamimigat sa dibdib ko ang matalim nyang titig. Alam kong galit sya. Galit na galit. At masakit isipin na pagkatapos kong halos makipagpatintero kay kamatayan kanina, galit naman ang mapapala ko mula sa taong gusto kong dumamay sa akin, mula sa tao na pinagkukunan ko ng lakas ko. Pero ano ang magagawa ko? I shouldn't expect him to worry about me anymore. Masyado akong umasa kaya nasaktan tuloy ako ng sobra. "Sorry?" mabigat nyang sambit. "Alam mo ba Hera, pagod na ako. I am tired of everything about us. Ikaw? Hindi ka pa ba napapagod? Hanggang kailan ba? Hanggang kailan ba ako dapat nakatali sayo?" Ang pinigilan kong luha ay tuluyan ko nang naramdaman kasi ngayon namamasa na ang mga mata ko. Talaga bang nakakapagod ang namagitan sa amin? Pero bakit ako na laging nasasaktan, hindi man lamang napapagod? Kahit ilang beses nyang durugin hindi lang puso ko kundi pati na ako mismo pero hindi man lamang ako napapagod? Tapos sya, pagod na pagod na. "Balang araw, mapapagod din ako sa pagmamahal ko sayo, Draeven. Wala naman taong hindi napapagod. At pagdating ng araw na yon, ako na mismo ang tatapos sa taling nakabigkis sa ating dalawa." pinili kong sabihin. Ewan ko nga lang kung darating ang araw na ito. Masyado ko syang mahal para sukuan ko. "I can't wait for that to come. Sana bukas paggising ko, ay napapagod ka na sa pagmamahal mo sa akin. Para matapos na lahat ng ito." "Mahal kita, Draeven!" nasambit ko. "Don't love me, Hera. I don't need your love. Hindi ko kailangan ang pagmamahal mo! Mas sasaya ako kung hindi mo na ako mahal. So please, unlove me." Katagan na parang kutsilyo na isinaksak sa puso ko ng paulit- ulit. Napakasakit talaga pag inaayawan ang pagmamahal mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD