-------- ***Third Person's POV*** - Napalunok si Myla. Kahit gusto pa nyang isumbat sa lalaking kaharap nya ang lahat ng paghihirap ni Hera pero hindi pwede. Nirespeto nya ang desisyon ni Hera dahil nandito pa ito, ayaw nyang magdamdam sa kanya ang kaibigan. Magtitiis muna sya sandali. May araw din sa kanya ang Draeven na ito. "Oo. May sakit sya. Sakit sa puso dahil sa pinaggagawa mo sa kanya. Sana darating ang panahon na ikaw naman ang magkasakit sa puso. Bweset ka!" nangangalaiti talaga sya at hindi nya mapipigilan ito. "Wag kang mangialam sa amin dahil wala kang alam." Tumawa sya sa sinabi nito. "Bakit, ikaw may alam ka ba? Pustahan tayo, mas marami akong alam kaysa sayo. Bulag ka kasi." Halos hindi maipinta ang mukha nito sa sinabi nya. "Kukunin ko na ang asawa ko." iba nit