-------- ***Third Person's POV*** - Dahil sa nadatnan sya ng nanay nya kagabi na tulala at takot na takot kaya kinaumagahan, nagpatawag agad ang nanay nya ng isang espiritista. "Masamang espirito sa bahay na ito, umalis ka! Bigyan mo nang katahimikan ang mga taong nakatira dito. Umalis ka! Umalis ka!" ani ng espiritista habang hinahampas- hampas nito ng dala nitong dahon sa bawat sulok ng bahay. Pampaalis daw ng mga masasamang espirito ang dahon na ito. Parang anahaw ang dahon na ito at may orasyon daw ito. Kanina, sya nga ang hinahampas- hampas nito ng dala nitong dahon, para layuan daw sya ng mga masasamang espirito. Takot na takot sya kagabi kaya hindi sya nakatulog, sobrang namaga nga ang mga mata nya ngayon. Pero ngayon, nabawasan na ang takot nya, pakiramdam nya safe na sya mu