------- ***Hera's POV*** - Napaurong ako sa tuluyan kong pagpasok sa dining nang nakita ko si Draeven na busy sa pagluluto. Hindi ako nagising ng maaga dahil sa kakaiyak ko kagabi, buong akala ko, nakaalis na sya para pumunta sa opisina, hindi ko naman lubos akalain na madadatnan ko sya dito sa kusina ng ganitong oras. "Good morning!" nakangiting bati nya sa akin. "Sandali lang. Malapit na akong matapos dito. Ihahanda ko na ang hapag kainan." Napaawang ang labi ko. Ngayon ko lang naranasan na nginitian muli ni Draeven mula nung ikinasal kaming dalawa. At ngayon ko lang din naranasan na ipinaghanda nya ako. Anong nangyari? Panaginip ba ito? Nasa panaginip ba ako? Kasi ito ang madalas kung mapaginipan, eh! Yong ganito si Draeven sa akin. Na malambing sya sa akin. Kung panaginip ito, s