-------- ***Third Person's POV*** - Agad nyang pinahinto ang sinasakyan nyang kabayo nang nakarating na sya sa lugar na gusto nyang puntahan, ang mataas na bahagi ng isla, ang taal kung saan makikita nya ang magandang paglubog ng araw. Pagdating nya dito kahapon, ang pangangabayo agad ang inatupag nya pagkatapos nyang magpahinga. Natagpuan nya ang lugar na ito at tama lang na palubong ang araw nung, talagang na-e-enganyo sya at ngayon, bumalik sya muli. Masarap sa pakiramdam nya ang lugar na ito. There is something in the place that she can't explain, something like a connection. Yong bang pakiramdam nyang minsan na syang nandito sa lugar na ito. Idagdag pa ang napakagandang tanawin sa tuwing lumulubog ang araw. Sya si Ysabella Fuentebella, she was called Bella by many, especially t