--------- ***Third Person's POV*** - Ang bigat ng pakiramdam ni Draeven. Kanina, nag- alala sya sa kung ano ang maging reaksyon ni Alexis pag makita nito si Bella. Hindi nya lubos akalain na maging ganito ang anak nya. Yakap na yakap nito ang naninigas na si Bella sa leeg, habang umiiyak naman ang anak nya. Sabi na nga ba nya, mapagkamalan nitong mommy nito si Bella. Sya nga din, akala nya noon na si Bella ay si Hera, At aminado sya na hanggang ngayon, ito pa rin ang tingin nya sa babae. May damdamin kasi itong binubuhay na si Hera lang ang may kakayahan. "Alexis, she's not your mommy, she is your new therapist. Come here, nakakahiya sa----" "No!" Gusto sana nyang kunin ang anak mula sa pagkakayakap nito kay Bella pero ayaw nitong bumitaw sa babae. "Alexis!" medyo napalakas na an