--------- ***Third Person's POV*** - Nakatitig lang sya kay Myla, hindi pa man nya maintindihan ang pinagsasabi nito pero parang may kung ano nang bumgsak na mabigat na bagay sa harapan nya. "A- Anong ibig mong sabihin?" "Anong ibig kong sabihin? Pwede ba, wag ka ngang mag- maang- maangan, impossible naman na hindi mo alam na ginahasa mo si Hera. At pagkatapos mo syang pagsamantalahan, ayaw mo pa syang pakasalan, pinapahiya mo pa sya sa kasal ninyong dalawa. Napakawalang- hiya mo! Demonyo!" galit na sambit nito, kulang nalang papatayin sya ng titig nito sa kanya. "Ipaliwanag mo sa akin, Myla. Hindi kita maintindihan!" desperado nyang sambit. Anong tinutukoy nito? Yong gabi na yon ba? Pero paano? Paggising nya, si Cherry ang katabi nya, umiiyak ito dahil sa nangyari. Maliban sa na